إعدادات العرض
Ang sinumang nagsagawa ng i`tikāf kasama ko ay magsagawa siya ng i`tikāf sa huling sampung araw sapagkat ipinaalam nga sa akin ang gabing ito, pagkatapos ay ipinalimot sa akin ito. Nakita ko nga na ako ay nagpapatirapa sa tubig at putik nang umaga niyon kaya hanapin ninyo ito sa huling sampung…
Ang sinumang nagsagawa ng i`tikāf kasama ko ay magsagawa siya ng i`tikāf sa huling sampung araw sapagkat ipinaalam nga sa akin ang gabing ito, pagkatapos ay ipinalimot sa akin ito. Nakita ko nga na ako ay nagpapatirapa sa tubig at putik nang umaga niyon kaya hanapin ninyo ito sa huling sampung araw
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa kalagitnaang sampung araw ng Ramaḍān. Nagsagawa siya ng i`tikāf nang isang taon hanggang sa nang sumapit ang gabi ng dalawampu't isa, ang gabi na lumalabas siya noon sa umaga nito mula sa i`tikāf niya. Nagsabi siya: "Ang sinumang nagsagawa ng i`tikāf kasama ko ay magsagawa siya ng i`tikāf sa huling sampung araw sapagkat ipinaalam nga sa akin ang gabing ito, pagkatapos ay ipinalimot sa akin ito. Nakita ko nga na ako ay nagpapatirapa sa tubig at putik nang umaga niyon kaya hanapin ninyo ito sa huling sampung araw at hanapin ninyo ito sa bawat gansal [na gabi]." Umulan ang langit nang gabing iyon. Ang masjid ay anyong barongbarong. Natuluan ang masjid. Nakita ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang sa noo niya ay may bakas ng tubig at putik nang umaga ng dalawampu't isa.
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdîالشرح
Nagpapabatid si Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya, na ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa kalagitnaang sampung araw ng Ramaḍān sa paghahangad sa Laylatulqadr. Nagsagawa siya ng i`tikāf nang isang taon gaya ng kaugalian niya hanggang sa nang sumapit ang gabi ng dalawampu't isa, ang gabi na lumalabas siya noon sa umaga nito mula sa i`tikāf niya. Nalaman niya na ang Laylatulqadr ay nasa huling sampung araw. Nagsabi siya sa mga kasamahan niya: "Ang sinumang nagsagawa ng i`tikāf kasama ko ay ipagpatuloy niya ang i`tikāf niya at magsagawa siya ng i`tikāf sa huling sampung araw." Ipinabatid niya na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay nagpabatid nito sa kanya sa panaginip. Pagkatapos ay ipinalimot sa kanya ngunit nakita niya sa panaginip na ito ay may mga tanda sa taon na iyon. Ito ay ang pagpapatirapa niya sa dasal sa madaling-araw sa tubig at putik. isinakatuparan ni Allāh ang panaginip ng Propeta Niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Umulan ang langit nang gabi ng ikadalawampu't isa. Ang masjid niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay naitayo gaya ng anyo ng barongbarong. Ang haligi nito ay mga puno ng datiles at ang bubong nito ay yari sa palapa nito kaya natuluan ang masjid resulta ng ulan. Nagpatirapa ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa umaga ng ikadalawampu't isa sa tubig at putik. Taysīr Al-`Allām pahina 349, Tanbīh Al-Afhām tomo 3/472, at Ta’sīs Al-Aḥkām 3/292.