Oh Sugo ni Allah, katotohanan ako ay nakasumpa sa panahon ng kamangmangan na mag-i'tikaf (pamamalagi sa masjid upang magsagawa ng ibadah) sa isang gabi, at sa isang salaysay: sa isang araw- sa Masjid Haram? ang sabi Niya: Kung ganon tuparin mo ang iyong sumpa.

Mula kay Umar Bin Al-khattab -Malugod si Allah sa kanya- ay nagsabi: sabi ko: ((Oh Sugo ni Allah, katotohanan ako ay nakasumpa sa panahon ng kamangmangan na mag-i'tikaf (pamamalagi sa masjid upang magsagawa ng ibadah) sa isang gabi, at sa isang salaysay: sa isang araw- sa Masjid Haram? ang sabi Niya: Kung ganon tuparin mo ang iyong sumpa)).

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nakasumpa si Umar bin Al-Khaṭṭāb -malugod si Allah sa kanya- sa panahon ng kamangmangan na magsagawa ng I'tikaf ng isang gabi sa Masjid Haram, kaya tinanong niya ang Propeta tungkol sa hatol ng sumpa niya na kung saan nangyari ito sa kanya sa kapanahunan ng kamangmangan, dahil doon inutusan siya ng Propeta -Sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga- na tuparin ang kanyang sumpa. Tayseer Al-allam (p353) Tanbeeh Al-afham (p480/v3)

التصنيفات

Ang I`tikāf