إعدادات العرض
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān hanggang sa nagpapanaw sa kanya si Allāh. Pagkatapos nagsagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya noong matapos niya.}
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān hanggang sa nagpapanaw sa kanya si Allāh. Pagkatapos nagsagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya noong matapos niya.}
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh dito), na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa noon ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān hanggang sa nagpapanaw sa kanya si Allāh. Pagkatapos nagsagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya noong matapos niya.}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî Tiếng Việt Kiswahili অসমীয়া ગુજરાતી Nederlands دری മലയാളം Română Magyar ქართული Moore ಕನ್ನಡ Svenska Oromoo Македонски ไทย Українська తెలుగు پښتو मराठी ਪੰਜਾਬੀ አማርኛ Malagasy ភាសាខ្មែរالشرح
Nagpabatid ang ina ng mga mananampalataya, na si `Ā'ishah (malugod si Allāh dito), na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nanatili sa pagsasagawa ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān dala ng paghahangad sa Gabi ng Pagtatakda (Laylatul qadr). Nagpatuloy siya sa gayon hanggang sa nagpapanaw sa kanya si Allāh. Nanatili nga sa pagsasagawa ng i`tikāf ang mga maybahay niya noong matapos niya (malugod si Allāh sa kanila).فوائد الحديث
Ang pagkaisinasabatas ng pagsasagawa ng i`tikāf sa mga masjid, pati na sa mga babae kalakip ng mga tuntuning legal at kalakip ng kundisyon ng pagkakaroon ng seguridad laban sa ligalig.
Natitiyak ang pagsasagawa ng i`tikāf sa huling sampung araw ng Ramaḍān dahil sa pananatili ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Ang pagsasagawa ng i`tikāf ay sunnah na nagpapatuloy na hindi napawalang-bisa yayamang nagsagawa ng i`tikāf ang mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos niya.
التصنيفات
Ang I`tikāf