Tunay na ang pagkakahati-hati ninyo sa mga daanan [sa bundok] at mga lambak na ito, iyon lamang ay mula sa Demonyo

Tunay na ang pagkakahati-hati ninyo sa mga daanan [sa bundok] at mga lambak na ito, iyon lamang ay mula sa Demonyo

Ayon kay Abū Tha`labah Al-Khushanīy, malugod si Allah sa kanya: "Ang mga tao noon kapag nanuluyan sa isang pook ay nagkakahati-hati sa mga daanan [sa bundok] at mga lambak kaya nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: 'Tunay na ang pagkakahati-hati ninyo sa mga daanan [sa bundok] at mga lambak na ito, iyon lamang ay mula sa Demonyo.' Kaya hindi na sila nanuluyan, pagkatapos niyon, sa isang pook malibang nagbubuklod sila sa isa't isa."

[Tumpak.] [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud.]

الشرح

Ang mga tao noon, kapag nanuluyan sa isang lugar sa panahon ng paglalakbay, ay nagkakahati-hati sa mga daanan sa bundok at mga lambak. Ipinabatid sa kanila ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang pagkakahati-hati nilang ito ay mula sa Demonyo upang pangambahin nito ang mga katangkilik ni Allah at upang pakilusin ang mga kaaway Niya. Kaya naman kapag na nanuluyan sila matapos niyon sa isang lugar, nagbubuklod sila sa isa't isa, anupa't kung sakaling nilatagan sila ng isang tela talagang sasapat ito sa kanila dahil sa tindi ng pagkakalapit nila.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan at mga Patakaran ng Paglalakbay