إعدادات العرض
Nagsabi si Allah-Pagkataas-taas Niya-: Nararapat ang pagmamahal ko para sa mga [taong] nagmamahalan para sa akin,at para sa mga [taong] nagsisi-upuan para sa akin,at para sa mga [taong] nagbibisatahan para sa akin,at para sa mga [taong] nagtutulungan para sa akin,
Nagsabi si Allah-Pagkataas-taas Niya-: Nararapat ang pagmamahal ko para sa mga [taong] nagmamahalan para sa akin,at para sa mga [taong] nagsisi-upuan para sa akin,at para sa mga [taong] nagbibisatahan para sa akin,at para sa mga [taong] nagtutulungan para sa akin,
Ayon kay Abe Idris Alkhulani-Kaawaan siya ni Allah-Siya ay nagsabi:Pumasok ako sa Masjid sa Damasco,At mayroong binatang kumikislap ang ngipin at ang mga tao ay kasama niya,At kapag nagkasalungat sila sa anumang bagay,Sumasangguni sila sa kanya,at pinanghahawakan nila ang opinyon niya,Itinanong ko siya,at sinabi nila: Siya si Muadh bin Jabal-malugod si Allah sa kanya-At ng damating ang kina-umagahan,naging maaga ako,[ngunit] natagpuan ko siyang nauna sa pagiging maaga sa akin,At nakita ko siyang nagdadasal,Hinintay ko siya hanggang sa matapos siya sa kanyang pagdadasal,pagkatapos ay pumunta ako sa harapan niya,at bumati ako sa kanya,Pagkatapos ay sinabi ko sa kanya: Sumpa kay Allah,Tunay na ikaw ay mahal ko para kay Allah,Nagsabi siya:Isinusumpa mo kay Allah? Sinabi ko:Isinusumpa ko kay Allah,Nagsabi siya:Isinusumpa mo kay Allah? Sinabi ko:Isinusumpa ko kay Allah,Kinuha niya ang dulo ng sarong ko,At hinila niya ako sa kanya,Nagsabi siya: Maging masaya ka! Sapagkat narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi: Nagsabi si Allah-Pagkataas-taas Niya-: Nararapat ang pagmamahal ko para sa mga [taong] nagmamahalan para sa akin,at para sa mga [taong] nagsisi-upuan para sa akin,at para sa mga [taong] nagbibisatahan para sa akin,at para sa mga [taong] nagpapakahirap para sa akin,))
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausaالشرح
Sa Hadith na ito [ipinapahayag] ang kainaman ng pagmamahalan para kay Allah,At ang ipinapahiwatig nito ay sinuman ang gumawa ng mga bagay na ito mula sa dalawang kabilaan,tulad ng napatunayan rito ng may pananalitang pag-uugnayan,kung ito ay para sa kaluguran ni Allah-Pagkataas-taas Niya-at hindi sa mga bagay na naglalaho,At hindi dahil sa [sariling] layunin,Tunay na nararapat sa kanya ang pagmamahal ng Kanyang Panginoon,At ito ang pinakadakilang gantimpala na nagpapatunay sa karangalan nito,At tunay na naisalaysay:(( Sinuman ang magmahal at magalit,magkawang-gawa at humadlang,tunay na naging ganap ang kanyang paniniwala)) At sa kanyang pagsabi: "Sinabi ko: Isinusumpa ko kay Allah,Tunay na ikaw ay mahal ko para kay Allah,Nagsabi siya:Isinusumpa mo kay Allah? Sinabi ko:Isinusumpa ko kay Allah" Ito ay Pagpapatunay na ang pananampalataya ay dumadaloy sa kanilang mga dila,na nangangahulugang pagpapatunay sa [kanyang] sinabi,at pinagtitibay niya ito sa pag-uulit niya at pakiki-usap niya [sa kanya] na siguraduhin niya ito. At sa sinabi niya: "Kinuha niya ang dulo ng sarong ko," Gustong ipahiwatig nito ang nasa gilid ng sarong ,ito ang dulo nito.At sa sinabi niya: "At hinila niya ako sa sarili niya" Nangangahulugang paglapit sa kanya,at pagpapalapit sa saloobon niya,at pagpapakita ng pagtanggap sa mga bagay na sinabi niya sa kanya at pagpapasaya nito sa kanya ,dahil sa sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa sinumang gumawa nito.Sinabi niya sa kanya: "Magpakasaya ka" Gusto niyang ipahiwatig,na dahil sa kalagayan niyang ito: Tunay na narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi:Nagsabi si Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-;Batay sa kahulugan nang iba pang bagay na makapagbibigay ng magandang balita sa kanya sa sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na siyang pinakatapat -mula sa Kanyang Panginoon-Mapagpala Siya at Pagkataas-taas,; Upang maging mapanatag si Abu Idris at maging ganap sa kanya ang kasiyahan sa balitang ito,Sapagkat ito ay mula sa salita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa Kanyang Panginoon,At hindi mula sa sariling opinyon ni Muadh-malugod si Allah sa kanya- At ang Sinabi Niya-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan: "Nararapat ang pagmamahal ko" Gusto niyang ipahiwatig na ; Napagtibay ang pagmamahal ko sa kanila." Para sa mga taong nagmamahalan para sa akin at Nagsisi-upuan para sa akin" Gusto niyang ipahiwatig;Na ang pag-upo nila sa kalooban ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-ay mula sa pagtutulungan nila sa pag-aalaala kay Allah-Pagkataas -taas Niya,Pagtatatag ng mga hangganan Niya,At Pagtupad sa Kasunduan Niya,Pagsasagawa sa mga ipinag-utos Niya,Pangangalaga sa mga Batas Niya,Pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya,at Pag-iwas sa mga ipinagbabawal Niya.At sa sa pagsabi Niya-Mapagpala Siya at Pagkataas-taas: " At para sa mga [taong] nagbibisitahan para sa akin" Gustong ipahiwatig nito-Si Allah ang higit na nakaka-alam- Na ang pagbibisita nila sa bawat isa ay para sa Kanya at para sa Kalooban Niya,at paghahangad sa Kasiyahan Niya-mula sa pagmamahalan para sa Kanya o pagtutulungan para sa paniniwala sa Kanya.At sa pagsabi Niya-Mapagpala Siya at Pagkataas-taas:" At para sa mga [taong] nagpapakahirap para sa Akin" Gusto nitong ipahiwatig ang mga [taong] nagpapakahirap sa mga sarili nila para sa Kasiyahan Niya mula sa sinang-ayunang pakikibaka sa kalaban Niya,at sa iba pang mga bagay mula sa mga ipinag-utos Niya-At ipinagkakawang-gawa niya ang kayamanan niya kung ito ay kinakailangan.