Tunay na ang tao ay talagang nagdarasal ng dasal, na hindi nagtala para sa kanya mula rito [bilang gantimpala] kundi ng ikapu nito, ikasiyam nito, ikawalo nito, ikapito nito, ikaanim nito, ikalima nito, ikaapat nito, ikatlo nito, kalahati nito."}

Tunay na ang tao ay talagang nagdarasal ng dasal, na hindi nagtala para sa kanya mula rito [bilang gantimpala] kundi ng ikapu nito, ikasiyam nito, ikawalo nito, ikapito nito, ikaanim nito, ikalima nito, ikaapat nito, ikatlo nito, kalahati nito."}

Ayon kay `Abdullāh bin `Anamah na nagsabi: {Nakakita ako kay `Ammār bin Yāsir na pumasok sa masjid saka nagdasal saka nagpagaan ng pagdarasal. Noong nakalabas siya, tumayo ako papunta sa kanya saka nagsabi ako: "O Abu Al-Yaqḍ̆ān, talaga ngang nagpagaan ka [ng pagdarasal]." Nagsabi siya: "Nakakita ka kaya sa akin na nagkulang ako mula sa mga hangganan nito ng anuman?" Nagsabi ako: "Hindi." Nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagdali-dali nito dahil sa pagpapalingat ng demonyo. Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Tunay na ang tao ay talagang nagdarasal ng dasal, na hindi nagtala para sa kanya mula rito [bilang gantimpala] kundi ng ikapu nito, ikasiyam nito, ikawalo nito, ikapito nito, ikaanim nito, ikalima nito, ikaapat nito, ikatlo nito, kalahati nito."}

[Maganda] [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Pumasok si `Ammār bin Yāsir (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa masjid saka nagdasal siya ng isang kinukusang-loob, na isang magaang ṣalāh. Noong nakalabas siya mula sa masjid, sinundan siya ni `Abdullāh bin `Anamah at nagsabi ito sa kanya: "O Abu Al-Yaqḍ̆ān, talaga ngang nakakita ako sa iyo na nagpagaan ka ng pagdarasal mo." Nagsabi si `Ammār: "Nakakita ka kaya sa akin na nagkulang ako mula sa mga haligi nito o mga kinakailangan dito o mga kundisyon nito ng anuman?" Nagsabi ito: "Hindi." Nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagpagaan nito bago makaabala sa akin ang demonyo. Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Tunay na ang tao ay talagang nagdarasal ng dasal, na hindi nagtala para sa kanya mula sa pabuya nito kundi ng ikapu nito, o ikasiyam nito, o ikawalo nito, o ikapito nito, o ikaanim nito, o ikalima nito, o ikaapat nito, o ikatlo nito, o kalahati nito."

فوائد الحديث

Ang sigasig ng Kanunu-nunuan sa pagpapayuhan sa pagitan nila.

Ang pagpapakatiyak at ang pagtatanong bago ng pagtutol.

Ang pagkakasya sa pagkasagot sa tanong at suliranin sa pamamagitan ng sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).

Ang pagkakulang ng pabuya sa ṣalāh dahil sa pagkakulang ng kataimtiman at pagninilay-nilay rito.

Ang tiyakang paghimok at ang matinding pag-udyok sa kataimtiman sa pagsasagawa ng ṣalāh at ang pagdalo ng puso kay Allāh (napakataas Siya).

التصنيفات

Ang mga Gawain ng mga Puso, Ang Kalamangan ng Ṣalāh