Ang pinakabulaan sa mga kabulaanan ay na magkunwari ang lalaki na nakita ng mga mata niya ang hindi naman nakita ng mga ito.

Ang pinakabulaan sa mga kabulaanan ay na magkunwari ang lalaki na nakita ng mga mata niya ang hindi naman nakita ng mga ito.

Ayon kay `Abdullāh bin Umar, malugod si Allah sa kanya: "Ang pinakabulaan sa mga kabulaanan ay na magkunwari ang lalaki na nakita ng mga mata niya ang hindi naman nakita ng mga ito."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Nililinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na kabilang sa pinakasinungaling na kasinungalingan ay na mag-angkin ang tao na siya ay nakakita ng isang bagay habang tulog siya o gising siya samantalang siya sa totoo ay nagsisinungaling sa pag-aangkin niyang ito dahil siya ay hindi nakakita ng anuman. Ang pagsisinungaling kaugnay sa nakita sa panaginip ay higit na mabigat kaysa sa pagsisinungaling kaugnay sa nakita habang gising dahil ang nakikita ng tao sa panaginip niya ay mula kay Allah kaya ang pagsisinungaling sa kalagayang ito ay isang pagsisinungaling laban kay Allah, pagkataas-taas Niya.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan sa Panaginip