إعدادات العرض
1- Kapag nanaginip ang isa sa inyo ng panaginip na nakaiibig siya nito, tunay na ito ay mula kay Allāh. Kaya naman magpuri siya kay Allāh dahil dito at magsanaysay hinggil dito. Kapag nakakita siya ng iba roon kabilang sa kinasusuklaman niya, ito lamang ay mula sa demonyo. Kaya naman humiling siya ng pagkupkop [ni Allāh] laban sa kasamaan nito at huwag siyang bumanggit nito sa isa man sapagkat tunay na ito ay hindi makapipinsala sa kanya."}
2- Ang mabuting panaginip ay mula kay Allāh at ang masamang panaginip ay mula sa Demonyo. Kaya kapag nanaginip ang isa sa inyo ng isang panaginip na pinangangambahan niya, dumura siya sa dakong kaliwa niya at magpakapalakupkop siya kay Allāh laban sa kasamaan nito kaya tunay na ito ay hindi makapipinsala sa kanya."}
3- Walang natira sa pagkapropeta kundi ang mga mubashshirah.
4- Ang sinumang nakakita sa akin sa panaginip ay makikita niya ako sa pagkagising, o para bang nakita niya ako sa pagkagising; hindi lumilitaw ang Demonyo sa anyo ko.
5- Kapag nalapit ang [huling] panahon, ang panaginip ng Mananampalataya ay hindi halos nagsisinungaling. Ang panaginip ng Mananamapalataya ay isang bahagi mula sa apatnapu't anim na bahagi ng pagkapropeta.
6- Tunay na kabilang sa pinakasukdulan sa mga kabulaanan ay ang mag-angkin ang tao [na anak daw siya] ng hindi niya ama, o [magpanggap na] ipinakita sa mata niya ang hindi niya nakita, o magsabi tungkol sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng hindi nito sinabi.
7- Ang pinakabulaan sa mga kabulaanan ay na magkunwari ang lalaki na nakita ng mga mata niya ang hindi naman nakita ng mga ito.