إعدادات العرض
Kapag nalapit ang [huling] panahon, ang panaginip ng Mananampalataya ay hindi halos nagsisinungaling. Ang panaginip ng Mananamapalataya ay isang bahagi mula sa apatnapu't anim na bahagi ng pagkapropeta.
Kapag nalapit ang [huling] panahon, ang panaginip ng Mananampalataya ay hindi halos nagsisinungaling. Ang panaginip ng Mananamapalataya ay isang bahagi mula sa apatnapu't anim na bahagi ng pagkapropeta.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kapag nalapit ang [huling] panahon, ang panaginip ng Mananampalataya ay hindi halos nagsisinungaling. Ang panaginip ng Mananamapalataya ay isang bahagi mula sa apatnapu't anim na bahagi ng pagkapropeta." Sa isang sanaysay: "Ang pinakatotoo sa inyo sa panaginip ay ang pinakatotoo sa inyo sa pagsasalita."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Kurdîالشرح
Ang kahulugan ng ḥadīth: Ang panaginip ng Mananampalataya sa huling panahon ay magiging totoo sapagkat ito ay maaaring isang ulat tungkol sa isang bagay na nagaganap o isang bagay na magaganap, at magaganap ito na umaayon sa panaginip. Ang panaginip na ito ay magiging gaya ng pagsisiwalat na pangpropeta sa pagkatotoo ng kahulugan nito. "Ang panaginip ng Mananamapalataya ay isang bahagi mula sa apatnapu't anim na bahagi ng pagkapropeta." Nangangahulugan ito: mula sa mga bahagi ng kaalaman ng pagkapropeta yayamang tunay na naglalaman ito ng isang pagpapabatid sa nakalingid. Ang pagkapropeta ay hindi nananatili subalit ang kaalaman nito ay nananatili. Itinangi lamang ang bilang na ito dahil ang edad ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pinakamarami sa mga sanaysay na tumpak ay animnapu't tatlong taon. Ang yugto ng pagkapropeta niya mula sa buhay niya ay dalawampu't tatlong taon dahil siya ay ipinadala pagtuntong sa apatnapung taon. Bago ang pagkapropeta niya, nakakakita siya noon sa panaginip ng nagkakatotoong panaginip sa loob ng anim na buwan. Dumarating ito na tulad ng pagputok ng madaling-araw nang malinaw at hayag. Pagkatapos ay nakita niya si Anghel Gabriel noong gising siya. Kaya kapag iniugnay ang haba ng pagsisiwalat sa panaginip, na anim na buwan, sa haba ng pagkapropeta niya, na dalawampu't tatlong taon, ang anim na buwan ay kalahati ng isang bahagi mula sa dalawampu't tatlong bahagi. Ito ay isang bahagi mula sa apatnapu't anim na bahagi. Ang sabi niya: "Ang pinakatotoo sa inyo sa panaginip ay ang pinakatotoo sa inyo sa pagsasalita" ay nangangahulugang kapag ang tao ay tapat sa pananalita niya, malapit kay Allah, ang panaginip niya ay higit na malapit sa pagkatototo sa madalas. Dahil dito, nilimitahan niya ito sa ḥadīth sa Ṣaḥīh Al-Bukhārīy: "Ang panaginip na nagkakatotoo ay mula sa lalaking matuwid." Tungkol naman sa hindi nagsasabi ng totoo sa pakikipag-usap niya at gumagawa ng mahahalay: ang anumang nalantad sa mga ito at ang anumang nakakubli, ito madalas ay panaginip niya bilang paglalaro ng demonyo sa kanya. Nagsabi si Ibnu Al-Qayyim, kaawaan siya ni Allah: "Ang sinumang nagnais na magkatotoo ang panaginip niya, magpunyagi siya sa pagpapakatotoo, pagkain ng ipinahihintulot, at pangangalaga sa pag-uutos [ng nakabubuti] at pagsaway [sa nakasasama]; matulog siya nang may lubos na kadalisayan, na nakaharap sa Qiblah; alalahanin niya si Allah hanggang sa mapanaigan siya ng mga mata niya; sapagkat tunay ang panaginip niya ay tahasang hindi halos magsisinungaling."التصنيفات
Ang mga Kaasalan sa Panaginip