Ang mabuting panaginip ay mula kay Allāh at ang masamang panaginip ay mula sa Demonyo. Kaya kapag nanaginip ang isa sa inyo ng isang panaginip na pinangangambahan niya, dumura siya sa dakong kaliwa niya at magpakapalakupkop siya kay Allāh laban sa kasamaan nito kaya tunay na ito ay hindi…

Ang mabuting panaginip ay mula kay Allāh at ang masamang panaginip ay mula sa Demonyo. Kaya kapag nanaginip ang isa sa inyo ng isang panaginip na pinangangambahan niya, dumura siya sa dakong kaliwa niya at magpakapalakupkop siya kay Allāh laban sa kasamaan nito kaya tunay na ito ay hindi makapipinsala sa kanya."}

Ayon kay Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mabuting panaginip ay mula kay Allāh at ang masamang panaginip ay mula sa Demonyo. Kaya kapag nanaginip ang isa sa inyo ng isang panaginip na pinangangambahan niya, dumura siya sa dakong kaliwa niya at magpakapalakupkop siya kay Allāh laban sa kasamaan nito kaya tunay na ito ay hindi makapipinsala sa kanya."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mabuting panaginip na nagpapatuwa sa sandali ng pagkatulog ay mula kay Allāh samantalang ang masamang pananaginip, ang panaginip na kinasusuklaman at nagpapalungkot, ay mula sa demonyo. Kaya ang sinumang nakapanaginip ng kinasusuklaman niya, lumura siya sa dakong kaliwa niya at humiling siya ng pagkupkop kay Allāh laban sa kasamaan niyon kaya tunay na iyon ay hindi makapipinsala sa kanya yayamang gumawa si Allāh sa binanggit bilang kadahilanan para sa kaligtasan mula sa kinasusuklamang inireresulta ng panaginip.

فوائد الحديث

Ang ru'yā (mabuting panaginip) at ang ḥulum (masamang panaginip) ay katawagan sa nakikita na mga bagay-bagay ng natutulog sa sandali ng pagtulog niya subalit nanaig ang ru'yā [sa wikang Arabe] sa nakikita na kabutihan at magandang bagay at nanaig naman ang ḥulum sa nakikita na kasamaan at pangit. Nagagamit ang bawat isa sa dalawang ito kapalit ng isa.

Ang mga uri ng ru'yā: 1. ang maayos na ru'yā, na isang ru'yā na totoo at nakagagalak, na mula kay Allāh, na nakikita ng tao o ipinakikita sa kanya; 2. ang pakikipag-usap sa sarili, na ipinangkakausap ng tao sa sarili niya habang nasa pagkagising; 3. ang pagpapalungkot at ang pagpapangamba ng demonyo at mga pagpapangilabot niya upang malungkot ang anak ni Adan.

Ang pinakabuod ng nabanggit mula sa mga paksa ng maayos na ru'yā ay tatlong pangyayari: na magpuri siya kay Allāh dahil doon, na magalak siya roon, at na magsanaysay siya niyon subalit sa sinumang naiibigan niya hindi sa kinasusuklaman niya.

Ang pinakabuod ng nabanggit mula sa mga paksa ng kinasusuklamang ru'yā ay limang pangyayari: na magpakapalakupkop siya kay Allāh laban sa kasamaan niyon, laban sa kasamaan ng demonyo, na lumura siya sa kaliwa niya nang tatlong ulit kapag nakabangon niya mula sa pagkatulog niya, huwag na huwag siyang bumanggit nito sa isa man, at lumipat siya sa kabilang tagiliran sa paghiga para ang masamang panaginip ay hindi makapipinsala sa kanya.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan sa Panaginip