Ang sinumang nakakita sa akin sa panaginip ay makikita niya ako sa pagkagising, o para bang nakita niya ako sa pagkagising; hindi lumilitaw ang Demonyo sa anyo ko.

Ang sinumang nakakita sa akin sa panaginip ay makikita niya ako sa pagkagising, o para bang nakita niya ako sa pagkagising; hindi lumilitaw ang Demonyo sa anyo ko.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang nakakita sa akin sa panaginip ay makikita niya ako sa pagkagising, o para bang nakita niya ako sa pagkagising; hindi lumilitaw ang Demonyo sa anyo ko."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagkaiba-iba ang mga maalam sa paglilinaw sa kahulugan ng ḥadīth na ito sa ilang pananaw. Kabilang sa mga ito: 1. Na ang ibig sabihin nito ay ang mga tao sa panahon niya. Ang kahulugan nito ay na ang sinumang nakakita sa kanya sa panaginip at hindi pa lumikas [sa Madīnah] ay papatnubayan ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa paglikas at pagkakita sa kanya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa mata habang gising. 2. Na ang lumitaw sa kanya sa panaginip ay ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa totoo, ibig sabihin: sa daigdig ng espiritu, at na ang panaginip niya ay totoo sa kondisyong ayon sa kilalang kaanyuan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. 3. Na nakita niya ang patotoo sa panginip na iyon habang gising sa Kabilang-buhay, ayon sa pagkakitang natatangi sa pagkalapit sa kanya at pagkamit ng pamamagitan niya, at mga tulad niyon. Ang sabi niya: "para bang nakita niya ako sa pagkagising" ay sanaysay ito ni Muslim sapagkat isinaysay niya ng may pagdududa: Sinabi ba niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "makikita niya ako sa pagkagising," o sinabi niya: "para bang nakita niya ako sa pagkagising"? Ang kahulugan nito ay na ang sinumang nakakita sa Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa panaginip ayon sa kaanyuan niyang tinataglay niya ay para bang nakita siya sa panahon ng pagiging gising. Ito ay gaya ng sabi niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, gaya ng nasaad sa Ṣaḥīḥān: "Ang sinumang nakakita sa akin sa panaginip ay nakita nga niya ako." Sa isa pang sanaysay sa Ṣaḥīḥān din: "Ang sinumagn nakakita sa akin sa panaginip ay nakita nga niya ang katotohanan. Ang sabi niya: "hindi lumilitaw ang Demonyo sa anyo ko" at sa ibang pananalita: "Ang sinumang nakakita sa akin sa panaginip ay nakita nga niya ako; tunay na hindi nararapat sa Demonyo na lumitaw sa anyo ko." Ang kahulugan: Na ang Demonyo ay hindi maaari sa kanya na lumitaw sa anyo ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa tunay na kaanyuan niya. Maaaring dumating ang Demonyo at magsabing siya ay Sugo ni Allah sa kaanyuang hindi kaanyuan niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Ito ay hindi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Kaya kapag nakakita ang isang tao at sumagi sa isip niya iyon daw ay ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, saliksikin niya ang mga katangian nitong nakita niya kung tumutugon ba sa mga katangian ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, o hindi. Kung tumugon, nakita nga niya Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan; at kung hindi tumugon, hindi iyon ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Ang mga ito ay mga kahibangang mula sa Demonyo na ipinasasagi niya isip ng natutulog na ito raw ang Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, gayong siya ay hindi ang Sugo. Naisanaysay nina Aḥmad at At-Tirmidhīy sa Ash-Shamā’il, ayon sa sinabi ni Yazīd Al-Fārisīy: "Nakita ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa panaginip kaya sinabi ko kay Ibnu `Abbās: Tunay na ako ay nakakita sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa panaginip. Nagsabi naman si Ibnu `Abbās: Tunay na ang Sugo ni Allah noon ay nagsasabi: 'Tunay na ang Demonyo ay hindi makakakayang mag-anyong kawangis ko. Kaya ang sinumang nakakita sa akin sa panaginip ay nakita nga niya ako.' kaya makakaya mo bang ilarawan ang lalaking ito na nakita mo? Nagsabi ako: Opo. Noong nailarawan na niya ito, nagsabi si Ibnu `Abbās: Kung sakaling nakita mo siya nang gising, hindi mo makakayang ilarawan siya ng higit dito." Itinuring na ḥasan ito ni Shaykh Al-Albānīy sa Mukhtaṣar Ash-Shamā’il, pahina 208, numero 347. Ang kahulugan: Na ikaw, kung sakaling nakita mo ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa sandaling gising ka, ay hindi mo maaaring ilarawan siya ng higit pa sa paglalarawan mo. Ito ay nangangahulugang totoong nakita niya ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan sa Panaginip