Kapag namatayan ang isa sa mga Muslim ng tatlo sa mga anak, hindi siya sasalingin ng apoy [ng Impiyerno] maliban sa pagpapatupad sa sinumpaan.

Kapag namatayan ang isa sa mga Muslim ng tatlo sa mga anak, hindi siya sasalingin ng apoy [ng Impiyerno] maliban sa pagpapatupad sa sinumpaan.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kapag namatayan ang isa sa mga Muslim ng tatlo sa mga anak, hindi siya sasalingin ng apoy [ng Impiyerno] maliban sa pagpapatupad sa sinumpaan."

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang sinumang namatayan ng tatlo sa mga anak, mga lalaki man o mga babae o kabilang sa mga lalaki at mga babae, tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay magkakait sa katawan niya sa Apoy sa kundsiyong kapag nagtiis siya, umasang gagantimpalaan siya, at nalugod sa pagtatadhana ni Allah, pagkataas-taas Niya, at pagtatakda Niya, maliban sa yugto ng pagpapatupad ni Allah sa panunumpa Niya. Ito ay ang sabi Niya, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: "Wala sa inyo na hindi tatawid doon. Ito sa Panginoon mo ay isang kahatulang ipinasya." (Qur'an M:71)

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Gawain ng mga Kamay at mga Paa, Ang Etikang Kapuri-puri