Tunay na sa bawat Propeta ay may taga-pagligtas at ang aking Taga-pagligtas ay si Zubayr

Tunay na sa bawat Propeta ay may taga-pagligtas at ang aking Taga-pagligtas ay si Zubayr

Ayon kay Ja`ber-malugod si Allah sa kanya-na nagsabi;Sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Sino ang maghahatid sa akin ng balita ng mga Tao?)) sa Araw ng Ahzab.Nagsabi si Zubayr; Ako,Pagkatapos ay sinabi niya: ((Sino ang maghahatid sa akin ng balita ng mga Tao?))Nagsabi si Zubayr; Ako,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan;Tunay na sa bawat Propeta ay may taga-pagligtas at ang aking Taga-pagligtas ay si Zubayr))

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Sa panahon ng paglalaban sa Ahzab at dumating ang mga Quraysh at ang iba pa sa kanila sa Madinah upang makipaglaban sa mga Muslim,At naghukay ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng Kanal;Nalaman ng mga Muslim a ang mga Tribo ng Quraydhah`mula sa mga Hudyo ay hindi tumupad sa kanilang pangako sa pagitan nila at pagitan ng mga Muslim,At sumang-ayon sila sa mga Quraysh sa pakikipaglaban laban sa mga Muslim,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Sino ang maghahatid sa akin balita mula sa Tribo ng Quraydhah`? Ang sabi ni Zubair bin Al-Awwa`m;Ako ang maghahatid sa iyo ng balita mula sa kanila.Pagkatapos ay sinabi niya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga ulit;Sino ang maghahatid sa akin balita mula sa Tribo ng Quraydhah`?Ang sabi ni Zubair;Ako.Ang sabi ng propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa oras na iyon;Tunay na sa bawat Propeta ay may taga-pagligtas at ang aking Taga-pagligtas ay si Zubayr.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Kasamahan ng Propeta – malugod si Allāh sa kanila