Tunay na ang pinakamapangilag magkasala sa inyo at ang pinakamaalam sa inyo kay Allāh ay ako."}

Tunay na ang pinakamapangilag magkasala sa inyo at ang pinakamaalam sa inyo kay Allāh ay ako."}

Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allah (s), kapag nag-utos siya sa kanila, ay nag-uutos sa kanila ng mga gawaing ayon sa nakakaya nila. Nagsabi sila: "Tunay na kami ay hindi gaya ng lagay mo, O Sugo ni Allah. Tunay na si Allah ay nagpatawad na sa iyo ng anumang naunan sa pagkakasala mo at anumang nahuli." Kaya nagagalit siya hanggang sa makilala ang galit sa mukha niya. Pagkatapos nagsasabi siya: "Tunay na ang pinakamapangilag magkasala sa inyo at ang pinakamaalam sa inyo kay Allāh ay ako."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Nagpapabatid ang Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (s), kapag nag-utos siya sa mga tao ng isang gawain kabilang sa mga gawain, ay nag-uutos ng anumang dumadali sa kanila, hindi ng anumang humihirap, dala ng takot na mawalang-kakayahan sila sa pamamalagi roon at ng gawaing ayon sa katapat ng ipinag-uutos niya sa kanila na pagpapagaan subalit hiniling nila sa kanya ang pag-aatang ng anumang humihirap dahil sa paniniwala nila sa pangangailagan nila sa pagpapalabis sa gawain para sa pag-angat ng mga antas. Nagsabi sila: "Tunay na kami ay walang kalagayang gaya ng kalagayan mo, O Sugo ni Allah. Tunay na si Allah ay nagpatawad na sa iyo ng anumang naunan sa pagkakasala mo at anumang nahuli." Kaya nagagalit siya hanggang sa makilala ang galit sa mukha niya. Pagkatapos nagsasabi siya: "Tunay na ang pinakamapangilag magkasala sa inyo at ang pinakamaalam sa inyo kay Allāh ay ako kayo gawin ninyo ang ipinag-utos ko sa inyo."

فوائد الحديث

Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Nag-utos lamang siya sa kanila ng dumadali sa kanila upang mamalagi sila roon gaya ng sinabi niya sa ibang hadith: "Ang pinakakaibig-ibig sa gawain kay Allah ay ang pinakamapamalagi."

Ang maaayos na tao ay nararapat na hindi mag-iwan sa pagsusumikap sa gawain dala ng pagsalig sa kaayusan niya.

التصنيفات

Ang Propeta Nating si Muhammad - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan, Ang Kahatulang Pang-Sharī`ah, Ang Sunnah, Ang mga Kainaman ng mga Gawang Maayos