Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal na magsuot ng sapatos ang tao nang nakatayo.

Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal na magsuot ng sapatos ang tao nang nakatayo.

Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal na magsuot ng sapatos ang tao nang nakatayo.

[Tumpak] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

الشرح

Ang hadith na ito ay naglalaman ng pagbabawal sa pagsusuot ng sapatos nang nakatayo dahil ang pagsusuot nito habang nakaupo ay higit na madali at higit na matatag. Ang kahatulang ito ay nauukol kapag ang sapatos ay nangangailangan ng lakas sa pagsusuot nito sa paa. Ito ay dahil sa ang tao, kapag nagsuot ng sapatos nang nakatayo samantalang ang sapatos ay nangangailangan ng lakas sa pagsusuot, ay maaaring bumagsak kapag inangat niya ang paa niya para ilapat ang sapatos. Tungkol naman sa mga sapatos na kilala sa ngayon, walang masama na isuot ito ng tao habang siya ay nakatayo. Hindi napaloloob iyon sa pagbabawal dahil ang mga sapatos natin ay madaling hubarin at isuot na hindi na nangangailangang umupo pa. Walang pinagkaiba ang lalaki at babae sa kahatulan dahil ang mga kahatulan ng Batas ng Islam ay hindi nagtatangi sa pagitan ng lalaki at babae malibang may napatunayang isang patunay kaugnay sa pagtatangi. Ang pagtatangi ng hadith dito sa lalaki ay dahil sa ang mga lalaki ay ang higit na madalas lumabas at lumantad kaysa sa mga babae. Dahil doon, itinangi sila sa pagbanggit. Sharḥ Riyāḍ aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn, 6/388.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan sa Kasuutan