Mag-iwan kayo niyan sapagkat tunay na iyan ay nakasusulasok."}

Mag-iwan kayo niyan sapagkat tunay na iyan ay nakasusulasok."}

Ayon kay Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Kami minsan ay nasa isang isang paglusob saka namalo ang isang lalaking kabilang sa mga Tagalikas ng isang lalaking kabilang sa mga Tagaadya. Kaya nagsabi ang Tagaadya: "O saklolo mga Tagaadya." Nagsabi naman ang Tagalikas: "O saklolo mga Tagalikas." Kaya nagparinig nito si Allah sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan). Nagsabi siya: "Ano ito?" Kaya nagsabi sila: "Namalo po ang isang lalaking kabilang sa mga Tagalikas ng isang lalaking kabilang sa mga Tagaadya. Kaya nagsabi ang Tagaadya: O saklolo mga Tagaadya. Nagsabi naman ang Tagalikas: O saklolo mga Tagalikas." Kaya nagsabi ang Propeta (s): "Mag-iwan kayo niyan sapagkat tunay na iyan ay nakasusulasok."} Nagsabi pa si Jābir: {Ang mga Tagaadya noon nang dumating ang Propeta (s) ay higit na marami. Pagkatapos dumami ang mga Tagalikas matapos niyan. Nagsabi naman si `Abdullāh bin Ubayy: "At ginawa nga ba nila? Sumpa man kay Allah, talagang kung nakabalik tayo sa Madīnah ay talaga ngang magpapalisan ang pinakamakapangyarihan mula roon sa pinakakaaba-kaaba." Kaya nagsabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (r): "Hayaan mo ako, O Sugo ni Allah, na tumaga sa leeg ng mapagpaimbabaw na ito." Nagsabi ang Propeta (s): "Hayaan siya. Hindi magsasalita ang mga tao na si Muḥammad ay pumapatay ng mga Kasamahan niya."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang Propeta minsan (s) ay naglalakbay sa isang paglusob habang kasama niya ang mga Kasamahan kabilang sa mga Tagalikas at mga Tagaadya (malugod si Allah sa kanila). Namalo ang isang lalaking kabilang sa mga Tagalikas ng pigi ng isang lalaking kabilang sa mga Tagaadya sa pamamagitang ng kamay niyon. Kaya nagsabi ang Tagaadya: "Saklolohan ninyo ako, O mga Tagaadya." Nagsabi naman ang Tagalikas: "Saklolohan ninyo ako, O mga Tagalikas." Kaya nagparinig nito si Allah sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan). Nagsabi siya: "Ano ito?" Kaya nagsabi sila: "Namalo po ang isang lalaking kabilang sa mga Tagalikas ng pigi ng isang lalaking kabilang sa mga Tagaadya. Kaya nagsabi ang Tagaadya: Saklolohan ninyo ako, O mga Tagaadya. Nagsabi naman ang Tagalikas: Saklolohan ninyo ako, O mga Tagalikas." Kaya nagsabi ang Propeta (s): "Mag-iwan kayo ng nakahiratiang pangkamangmangang iyan sapagkat tunay na iyan ay pangit na kasuklam-suklam na nakapeperhuwisyo." [Ang nakahiratiang] iyan ay na ang lalaki, kapag nadaig ng kahidwaan niya, ay nanawagan sa mga kalipin niya saka nagdadali-dali naman sila sa pag-adya sa kanya - nang-aapi man siya o naaapi, dala ng isang kamangmangan mula sa kanila at tribalismo. Nagsabi pa si Jābir: "Ang mga Tagaadya noon nang dumating ang Propeta (s) sa Madīnah bilang isang tagalikas ay higit na marami. Pagkatapos dumami ang mga Tagalikas matapos niyan. Nagsabi naman si `Abdullāh bin Ubayy bin Salūl: "At umabot nga ba ang usapin sa puntong ito? Sumpa man kay Allah, talagang kung nakabalik tayo sa Madīnah ay talaga ngang magpapalisan ang mga pinakamakapangyarihan," tumutukoy siya sa sarili niya at sinumang kasama sa kanya, "mula sa Madīnah sa mga pinakakaaba-kaaba," tumutukoy siya sa Propeta (s) at sinumang kasama sa kanya. Kaya nagsabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (r): "Hayaan mo ako, O Sugo ni Allah, na tumaga sa leeg ng mapagpaimbabaw na ito." Nagsabi ang Propeta (s): "Hayaan mo siya. Hindi magsasalita ang mga tao na si Muḥammad ay pumapatay ng mga tagasunod niya, kahit pa man sa panlabas."

التصنيفات

Ang Etikang Kapula-pula