Tunay na ang una sa mga tao na hahatulan sa Araw ng Pagkabuhay ay isang lalaking pinatay na martir. Ihahatid siya. Ipaaalam sa kanya ni Allah ang biyaya sa kanya at malaman niya iyon. Magsasabi si Allah: Kaya ano ang ginawa mo sa [biyayang] iyon? Magsasabi siya: Nakipaglaban ako alang-alang sa Iyo…

Tunay na ang una sa mga tao na hahatulan sa Araw ng Pagkabuhay ay isang lalaking pinatay na martir. Ihahatid siya. Ipaaalam sa kanya ni Allah ang biyaya sa kanya at malaman niya iyon. Magsasabi si Allah: Kaya ano ang ginawa mo sa [biyayang] iyon? Magsasabi siya: Nakipaglaban ako alang-alang sa Iyo hanggang sa napatay akong martir.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: "Tunay na ang una sa mga tao na hahatulan sa Araw ng Pagkabuhay ay isang lalaking pinatay na martir. Ihahatid siya at ipaaalam sa kanya ni Allah ang biyaya sa kanya at malaman niya iyon. Magsasabi si Allah: Kaya ano ang ginawa mo sa [biyayang] iyon? Magsasabi siya: Nakipaglaban ako alang-alang sa Iyo hanggang sa napatay akong martir. Magsasabi Siya: Nagsinungaling ka; bagkus nakipaglaban ka upang masabing magiting! Kaya sinabi nga. Pagkatapos ay ipag-uutos na kaladkarin siya na nakangudngod ang mukha niya hanggang sa maihagis siya sa Apoy. May isang lalaking natuto ng kaalaman. Nagturo siya nito at bumigkas ng Qur'an. Ihahatid siya at ipaaalam sa kanya ni Allah ang biyaya sa kanya at malaman niya iyon. Magsasabi si Allah: Kaya ano ang ginawa mo sa [biyayang] iyon? Magsasabi siya: Natuto ako ng kaalaman, itinuro ko ito, at bumigkas ako ng Qur'an alang-alang sa Iyo. Magsasabi Siya: Nagsinungaling ka; bagkus natuto ka upang masabing nakaaalam at bumigkas ka ng Qur'an upang masabing tagabigkas! Kaya sinabi nga. Pagkatapos ay ipag-uutos na kaladkarin siya na nakangudngod ang mukha niya hanggang sa maihagis siya sa Apoy. May isang lalaking pinayaman ni Allah at binigyan ng sari-saring yaman. Ihahatid siya at ipaaalam sa kanya ni Allah ang biyaya sa kanya at malaman niya iyon. Magsasabi si Allah: Kaya ano ang ginawa mo sa [biyayang] iyon? Magsasabi siya: Wala akong iniwang landas na iniibig Mong gumugol ako roon malibang gumugol ako doon para sa iyo. Magsasabi Siya: Nagsinungaling ka; bagkus ginawa mo iyon upang masabing mapagbigay! Kaya sinabi nga. Pagkatapos ay ipag-uutos na kaladkarin siya na nakangudngod ang mukha niya hanggang sa maihagis siya sa Apoy."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Ang kahulugan ng ḥadīth ay na ang unang hahatulan sa mga tao sa Araw ng Pagkabuhay ay tatlong uri: nag-aaral na nagpapakitang-tao, nakikipaglaban na nagpapakitang-tao, at nagkakawanggawa ng nagpapakitang-tao. Pagkatapos tunay na si Allah, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas Niya, ay maghahatid sa kanila sa Kanya sa Araw ng Pagkabuhay. Ipaaalam ni Allah ang biyaya Niya at malalaman nila ito. Tatanungin niya ang bawat isa sa kanila: Ano ang ginawa mo bilang pasasalamat sa biyayang ito? Magsasabi ang una: Natuto ako ng kaalaman at binasa ko ang Qur'an alang-alang sa Iyo. Magsasabi si Allah sa kanya: Nagsinungaling ka; bagkus natuto ka upang sabihing nakaaalam at nagbasa ka ng Qur'an upang sabihing tagabasa, hindi para kay Allah bagkus alang-alang sa pagpapakitang-tao. Pagkatapos ay ipag-uutos na kaladkarin siya na nakangudngud ang mukha niya sa Apoy. Gayon din ang gagawin sa pagkatapos niya.

التصنيفات

Ang mga Karamdaman ng mga Puso