إعدادات العرض
Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang.
Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang.
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga gawain ay ayon sa layunin lamang. Ukol sa tao ang nilayon niya lamang. Kaya ang sinumang ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang paglikas niya ay tungo kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang sinumang ang paglikas niya ay para sa isang kamunduhan na tatamuhin niya o isang babaing pakakasalan niya, ang paglikas niya ay tungo sa inilikas niya."} Sa pananalita ni Imām Al-Bukhārīy: "Ang mga gawain ay ayon sa mga layunin lamang. Ukol sa bawat tao ang nilayon niya lamang. ..."
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் မြန်မာ Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands ئۇيغۇرچە සිංහල ไทย دری Fulfulde Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy or Română Kinyarwanda Српски тоҷикӣ O‘zbek Moore नेपाली Oromoo Wolof Soomaali Български Українська Azərbaycan bm ქართული lnالشرح
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang lahat ng mga gawain ay isinasaalang-alang ayon sa layunin. Ang kahatulang ito ay panlahat sa lahat ng mga gawain kabilang sa mga pagsamba at mga pakikitungo. Kaya ang sinumang nagpakay sa gawain niya ng isang kapakinabangan, wala siyang tatamuhin kundi ang kapakinabangang iyon at walang gantimpala para sa kanya; at ang sinumang nagpakay sa gawain niya ng pagpapakalapit-loob kay Allāh, tatamuhin niya mula sa gawain niya ang gantimpala at ang pabuya kahit pa ito ay isang karaniwang gawain gaya ng pagkain at pag-inom. Pagkatapos naglahad ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang paghahalintulad para sa paglilinaw sa pag-epekto ng layunin sa mga gawain sa kabila ng pagkakapantayan ng dalawang ito sa panlabas na anyo. Naglinaw siya na ang sinumang nagpakay sa paglikas niya at pag-iwan ng bayan niya ng paghahangad ng mga kaluguran ng Panginoon niya, ang paglikas niya ay isang paglikas na legal na tinatanggap, na ginagantimpalaan dahil sa katapatan ng layunin niya; samantalang ang sinumang nagpakay sa paglikas niya ng isang kapakinabangang pangmundo gaya ng yaman o reputasyon o kalakal o asawa, wala siyang tatamuhin mula sa paglikas niya kundi ang kapakinabangang iyon na nilayon niya at walang bahagi para sa kanya sa pabuya at gantimpala [sa Kabilang-buhay].فوائد الحديث
Ang paghimok sa pagpapakawagas sapagkat tunay na si Allāh ay hindi tumatanggap mula sa gawain kundi ng gawaing hinangad dahil dito ang kaluguran ng mukha Niya.
Ang mga gawain na nagpapakalapit-loob sa pamamagitan ng mga ito kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), kapag gumawa ng mga ito ang naatangan bilang kaugalian, ay walang ukol sa kanya na gantimpala dahil sa mga ito hanggang sa magpakay siya sa mga ito ng pagpapakalapit-loob kay Allāh.
التصنيفات
Ang mga Gawain ng mga Puso