Ang sinumang tumuloy sa isang tuluyan pagkatapos nagsabi ng: A`ūdhu bi-kalimāti -llāhi -ttāmmāti min sharri mā khalaq (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya), hindi siya pipinsalain ng anuman hanggang sa lumisan siya sa tuluyan niyang…

Ang sinumang tumuloy sa isang tuluyan pagkatapos nagsabi ng: A`ūdhu bi-kalimāti -llāhi -ttāmmāti min sharri mā khalaq (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya), hindi siya pipinsalain ng anuman hanggang sa lumisan siya sa tuluyan niyang iyon."}

Ayon kay Khawlah bint Ḥakīm As-Sulamīyah na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang sinumang tumuloy sa isang tuluyan pagkatapos nagsabi ng: A`ūdhu bi-kalimāti -llāhi -ttāmmāti min sharri mā khalaq (Nagpapakupkop ako sa mga ganap na salita ni Allāh laban sa kasamaan ng anumang nilikha Niya), hindi siya pipinsalain ng anuman hanggang sa lumisan siya sa tuluyan niyang iyon."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Gumagabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya tungo sa pangungunyapit at pagdulog na nagpapakinabang na naitutulak sa pamamagitan nito ang bawat pinangingilagang pinangangambahan ng tao kapag nanuluyan siya sa isang lugar sa lupa, maging ito man ay sa isang paglalakbay o isang pamamasyal o iba pa rito. Ito ay sa pamamagitan ng pangungunyapit at pagdulog sa mga lubos na salita ni Allāh sa kainaman ng mga ito, pagpapala ng mga ito, pagpapakinabang ng mga ito, na malaya sa bawat kapintasan at kakulangan, laban sa kasamaan ng bawat nilikha na may kasamaan, para matiwasay sa tuluyan niyang iyon, hanggat nananatili roon, laban sa bawat anumang nakapeperhuwisyo.

فوائد الحديث

Ang paghiling ng pagkupkop ay isang pagsamba. Ito ay sa pamamagitan ni Allāh (napakataas Siya) o sa pamamagitan ng mga pangalan Niya at mga katangian Niya.

Ang pagpayag sa paghiling ng pagkupkop sa pamamagitan ng salita ni Allāh dahil ito ay isang katangian kabilang sa mga katangian Niya (kaluwalhatian sa Kanya), na salungat sa paghiling ng pagkupkop sa alinmang nilikha sapagkat iyon ay Shirk.

Ang kainaman ng panalanging ito at ang pagpapala nito.

Ang pagpapasanggalang sa mga dhikr ay isang kadahilanan ng pagsanggalang sa tao laban sa mga kasamaan.

Ang pagpapawalang-saysay sa paghiling ng pagkukupkop sa iba pa kay Allāh gaya ng mga jinn, mga manggagaway, mga manunuba, at iba pa sa kanila.

Ang pagkaisinasabatas ng panalanging ito para sa sinumang nanuluyan sa isang lugar sa panahon ng paninirahan o paglalakbay.

التصنيفات

Ang mga Dhikr Para sa mga Pangyayaring Hindi Inaasahan