Tunay na si Allāh ay umiibig sa taong mapangilag magkasala na nakasasapat na mapagkubli."}

Tunay na si Allāh ay umiibig sa taong mapangilag magkasala na nakasasapat na mapagkubli."}

Ayon kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na si Allāh ay umiibig sa taong mapangilag magkasala na nakasasapat na mapagkubli."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay umiibig sa ilan sa mga lingkod Niya. Kabilang sa kanila ang mapangilag magkasala: ang tagasunod sa mga ipinag-uutos ni Allāh, ang tagaiwas sa mga sinasaway Niya. Umiibig si Allāh sa nakasasapat: na nagpawalang-pangangailangan sa mga tao dahil kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), na hindi bumabaling sa iba pa sa Kanya. Umiibig si Allāh sa mapagkubli: ang nagpapakumbabang nagpapakamananamba sa Panginoon niya, na tagagamit ng nagpapakinabang sa kanya, na hindi nagpapahalaga na makilala siya ng isang tao o pag-usapan siya sa pamamagitan ng pagbubunyi o pagpapapuri.

فوائد الحديث

Ang paglilinaw sa ilan sa mga katangiang humiling ng pag-ibig ni Allāh sa mga lingkod Niya. Ang mga ito ay ang pangingilag magkasala, ang pagpapakumbaba, at ang pagkalugod sa anumang inihati ni Allāh.

التصنيفات

Ang Etikang Kapuri-puri