Huwag kayong mang-alipusta sa mga patay sapagkat tunay na sila ay humantong sa [mga gawang] ipinauna nila."}

Huwag kayong mang-alipusta sa mga patay sapagkat tunay na sila ay humantong sa [mga gawang] ipinauna nila."}

Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong mang-alipusta sa mga patay sapagkat tunay na sila ay humantong sa [mga gawang] ipinauna nila."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagkabawal ng pag-alipusta sa mga patay at paninira sa mga dangal nila, na ito ay kabilang sa masasagwa sa mga kaasalan sapagkat tunay na sila ay umabot sa ipinauna nila na mga gawang maayos o masama, at na ang pag-alipustang ito rin ay hindi naman nakararating sa kanila sapagkat tunay na ito ay nakapiperhuwisyo lamang sa mga buhay.

فوائد الحديث

Ang ḥadīth ay isang patunay sa pagbabawal sa pag-alipusta sa mga patay.

Ang pagwaksi sa pag-alipusta sa mga patay ay may dulot na pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga buhay at pangangalaga sa kaayusan ng lipunan laban sa pagmumuhian at pagsusuklaman.

Ang kasanhian sa pagsaway laban sa pag-alipusta sa kanila ay dahil sila ay umabot na sa gawang ipinauna nila kaya hindi nakapagpapakinabang ang pag-alipusta sa kanila at dulot nito ang pamemerhuwisyo sa mga buhay na kamag-anak nila.

Hindi nararapat sa tao na magsabi ng anumang walang kapakanang dulot.

التصنيفات

Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan, Ang Kamatayan ang mga Patakaran Dito