Ang pagkahiya ay bahagi ng pananampalataya

Ang pagkahiya ay bahagi ng pananampalataya

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nakarinig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang lalaking nangangaral sa kapatid nito kaugnay sa pagkahiya, kaya naman nagsabi siya: "Ang pagkahiya ay bahagi ng pananampalataya."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nakarinig ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang lalaking nagpapayo sa kapatid nito na iwaksi niya ang kadalasan ng pagkahiya kaya naglinaw siya rito na ang pagkahiya ay bahagi ng pananampalataya at na ito ay walang inihahatid kundi kabutihan. Ang pagkahiya ay isang kaasalang nagdadala sa paggawa ng marikit at pagwaksi ng pangit.

فوائد الحديث

Ang pumipigil sa iyo sa kabutihan ay hindi tinatawag na pagkahiya, bagkus tinatawag na pangingimi, kawalang-kakayahan, panlalambot, at karuwagan.

Ang pagkahiya mula kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga ipinag-uutos at pagwaksi ng mga ipinagbabawal.

Ang pagkahiya sa nilikha ay sa pamamagitan ng paggalang sa kanila, paglalagay sa kanila sa mga kalagayan nila, at pag-iwas sa pumapangit sa kaugalian.

التصنيفات

Ang Etikang Kapuri-puri