Tunay na ang mga nagpapakamakatarungan ay sa piling ni Allāh sa mga pulpito ng liwanag sa dakong kanan ng Pinakamaawain (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – at ang kapwa mga kamay niya ay kanan

Tunay na ang mga nagpapakamakatarungan ay sa piling ni Allāh sa mga pulpito ng liwanag sa dakong kanan ng Pinakamaawain (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – at ang kapwa mga kamay niya ay kanan

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang mga nagpapakamakatarungan ay sa piling ni Allāh sa mga pulpito ng liwanag sa dakong kanan ng Pinakamaawain (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – at ang kapwa mga kamay niya ay kanan. [Sila] ang mga nagmamakatarungan sa hatol nila, mga mag-anak nila, at tinangkilik nila."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga humahatol (o nagpapatupad) ng katarungan at karapatan sa mga tao na nasa ilalim ng pamumuno nila, pamamahala nila, at mga alagad nila ay uupo sa mga mataas na angat na upuan na nilikha mula sa isang liwanag, bilang pagpaparangal sa kanila sa Araw ng Pagbangon. Ang mga pulpitong ito ay nasa dakong kanan ng Napakamaawain. Ang kapwa mga kamay ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay kanan.

فوائد الحديث

Ang Kainaman ng Katarungan at ang Paghimok Dito

Ang katarungan ay panlahat na sumasaklaw sa lahat ng mga estado at paghatol sa mga tao pati, na ang katarungan sa mga maybahay, mga anak, at iba pa roon.

Ang Paglilinaw sa Katayuan ng Dalawang Makatarungan sa Araw ng Pagbangon

Ang Pagkakaibahan ng mga Katayuan ng mga May Pananampalataya sa Araw ng Pagbangon, na ang Bawat Isa ay Alinsunod sa Gawa Niya

Ang istilo ng pagpapaibig ay kabilang sa mga istilo ng pag-aanyaya na nagpapaibig sa inaanyayahan sa pagtalima.

التصنيفات

Ang Etikang Kapuri-puri