Kapag pumasok ang lalaki sa bahay nito saka bumanggit siya kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya at sa sandali ng pagkain niya, magsasabi ang Demonyo [sa mga kampon nito]: 'Walang pagmamagdamagan para sa inyo at walang hapunan para sa inyo.'

Kapag pumasok ang lalaki sa bahay nito saka bumanggit siya kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya at sa sandali ng pagkain niya, magsasabi ang Demonyo [sa mga kampon nito]: 'Walang pagmamagdamagan para sa inyo at walang hapunan para sa inyo.'

Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Kapag pumasok ang lalaki sa bahay nito saka bumanggit siya kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya at sa sandali ng pagkain niya, magsasabi ang Demonyo [sa mga kampon nito]: 'Walang pagmamagdamagan para sa inyo at walang hapunan para sa inyo.' Kapag naman pumasok siya saka hindi siya bumanggit kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya, magsasabi ang Demonyo [sa mga kampon nito]: 'Nakamit ninyo ang pagmamagdamagan.' Kapag hindi siya bumanggit kay Allāh sa sandali ng pagkain niya, magsasabi ito: 'Nakamit ninyo ang pagmamagdamagan at ang hapunan.'"}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagbanggit kay Allāh sa sandali ng pagpasok sa bahay at bago kumain. Kapag bumanggit siya kay Allāh sa pagsabi niya ng: "Bismi –llāh (Sa ngalan ni Allāh)" sa sandali ng pagpasok niya sa bahay niya at sa sandali ng pagsisimula ng pagkain niya, magsasabi ang demonyo sa mga katulong nito: "Walang parte para sa inyo sa pagmamagdamagan ni hapunan sa bahay na ito na sumangga ang nakatira rito laban sa inyo sa pagbanggit kay Allāh (napakataas Siya)." Kapag naman pumasok ang lalaki sa bahay niya saka hindi siya bumanggit kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya ni sa sandali ng pagkain niya, magpapabatid ang demonyo sa mga katulong niya na sila ay nagkamit ng pagmamagdamagan at hapunan sa bahay na ito.

فوائد الحديث

Ang pagsasakaibig-ibig ng pagbanggit kay Allāh sa sandali ng pagpasok sa bahay at sa sandali ng pagkain sapagkat tunay na ang demonyo ay nagpapamagdamag sa mga bahay at kumakain mula sa pagkain ng mga naninirahan sa mga ito kapag hindi sila bumanggit ng ngalan ni Allāh (napakataas Siya).

Ang demonyo ay nagmamasid sa anak ni Adan sa gawain nito, sa pag-aasal nito, at sa mga nauukol dito sa kabuuan ng mga iyon. Kaya naman kapag nalingat ang tao sa pag-alaala kay Allāh, natatamo niya ang ninanais niya sa tao.

Ang pag-alaala kay Allāh ay nagtataboy sa demonyo.

Ang bawat demonyo ay may mga tagasunod at mga katangkilik na nagagalak sa sabi niya at sumusunod sa utos niya.

التصنيفات

Ang Patnubay ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at pangalagaan – sa Dhikr, Ang mga Pakinabang ng Pag-alaala kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, Ang mga Dhikr ng Pagpasok at Paglabas ng Tahanan