إعدادات العرض
Ang magsabi ako ng subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh), alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh), lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), at Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila) ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa anumang sinikatan ng araw."}
Ang magsabi ako ng subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh), alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh), lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), at Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila) ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa anumang sinikatan ng araw."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang magsabi ako ng subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh), alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh), lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh), at Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila) ay higit na kaibig-ibig sa akin kaysa sa anumang sinikatan ng araw."}
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية Bosanski English فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी বাংলা Español Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் සිංහල မြန်မာ ไทย Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands ئۇيغۇرچە دری Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy Română Kinyarwanda नेपाली Српски Soomaali Moore Українська Български Wolof Azərbaycan ქართული тоҷикӣ bm Македонскиالشرح
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pag-alaala kay Allāh sa pamamagitan ng mga dakilang pangungusap na ito ay higit na mabuti kaysa sa Mundo at anumang narito. Ang mga ito ay: Ang "subḥāna –llāh (kaluwalhatian kay Allāh)": isang pagpapawalang-kinalaman kay Allāh sa mga kakulangan; Ang "alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh)": isang pagbubunyi sa Kanya sa pamamagitan ng mga katangian ng kalubusan kasama ng pag-ibig sa Kanya at pagdakila sa Kanya; Ang "lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)": Walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh; Ang "Allāhu akbar (si Allāh ay pinakadakila)": higit na dakila at higit na kapita-pitagan kaysa sa bawat bagay.فوائد الحديث
Ang paghimok sa pag-alaala kay Allāh at na ito ay higit na kaibig-ibig kaysa sa sinikatan ng araw.
Ang pag-udyok sa pagpaparami ng pagsambit ng dhikr dahil sa dulot nito na pabuya at kainaman.
Ang natatamasa sa Mundo ay kaunti at ang mga ninanasa rito ay naglalaho.
التصنيفات
Ang mga Dhikr na Walang Takda