إعدادات العرض
Kapag nagsagawa ng Wudhu ang isa sa inyo,maglagay siya sa ilong niya ng tubig,pagkatapos ay isinga niya ito,At sinuman ang gumamit ng bato [sa paglilinis],gawin niya itong gansal.At kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagtulog,hugasan niya ang dalawang kamay niya bago niya ito ipasok sa lalagyan…
Kapag nagsagawa ng Wudhu ang isa sa inyo,maglagay siya sa ilong niya ng tubig,pagkatapos ay isinga niya ito,At sinuman ang gumamit ng bato [sa paglilinis],gawin niya itong gansal.At kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagtulog,hugasan niya ang dalawang kamay niya bago niya ito ipasok sa lalagyan [ng tubig] ,nang tatlong beses,Dahil katunayan ang isa sa inyo ay hindi niya nalalaman kung saan niya nailagay ang kamay niya
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: ((Kapag nagsagawa ng Wudhu ang isa sa inyo,maglagay siya sa ilong niya ng tubig,pagkatapos ay isinga niya ito,At sinuman ang gumamit ng bato [sa paglilinis],gawin niya itong gansal.At kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagtulog,hugasan niya ang dalawang kamay niya bago niya ito ipasok sa lalagyan [ng tubig] ,nang tatlong beses,Dahil ang isa sa inyo ay hindi niya nalalaman kung saan niya nailagay ang kamay niya)) At sa isang salaysay: (( Suminghot siya sa dalawang [butas ng] ilong niya ng tubig)),At sa ibang pananalita: ( Sinuman ang magsagawa ng Wudhu,suminghot siya ng tubig))
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî Kiswahili Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá ไทย پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or नेपाली Malagasy Română Kinyarwanda తెలుగు Lietuvių Oromoo മലയാളം Nederlands Soomaali Shqip Српски Deutsch Українська ಕನ್ನಡ Wolof Moore ქართული Azərbaycan Magyarالشرح
Nasasakop sa Hadith na ito ang tatlong Talata,sa bawat talata ay may nakatalagang panuntunan para rito.1.Nabanggit na ang nagsasagawa ng Wudhu,kapag isinagawa niya ang Wudhu,ay ipapasok niya ang tubig sa ilong niya,pagkatapos ay ilalabas niya ito,Ito ang pagsinghot at pagsinga na nabanggit sa Hadith,Sapagkat ang ilong ay kasama sa mukha,na siyang ipinag-utos sa nagsasagawa ng Wudhu na hugasan ito,at natipon ang mga tumpak na Hadith sa pag-uutos rito,sapagkat ito ay kabilang sa kinakailangang malinis sa Batas ng Islam,.2.Pagkatapos ay nabanggit na sinuman ang magnais na malinis sa duming lumalabas sa kanya gamit ang bato,na maging gansal ang piraso nito,ang pinakamaliit rito ay tatlo,at ang pinaka-mataas ay ayon sa paglilinis mula sa duming lumalabas [sa kanya],at maging dalisay,kapag ito ay gansal,at kung hindi ay magdagdag ng isa,at gawing gansal ang mga bilang ng pares.3.At nabanggit din niya na ang gumigising mula sa pagtulog sa gabi,ay hindi magpapasok ng kamay niya sa lalagyang tubig,o ihawak niya ito ng basa,hanggat hindi niya ito nahuhugasan nang tatlong beses,;Dahil ang pagtulog sa gabi-kadalasan-ay napakahaba,at ang kamay niya ay nangangapa sa katawan niya,kaya maaaring dumapo ito sa mga maruruming bagay na hindi niya nalalaman,kaya ipinag-utos sa kanya na hugasan ito,sa ipinag-utos na paglilinis.