Ang Wuḍū'

Ang Wuḍū'

1- Ayon kay Ḥumrān na alila ni `Uthmān bin `Affān: {Siya ay nakakita kay `Uthmān bin `Affān na nanawagan ng tubig ng wuḍū', saka nagbuhos siya sa mga kamay niya mula sa lalagyan nito, saka naghugas siya ng mga ito nang tatlong ulit. Pagkatapos nagpasok siya ng kanang kamay niya sa tubig ng wuḍū'. Pagkatapos nagmumog siya at suminghot siya [ng tubig] at suminga. Pagkatapos naghugas siya ng mukha niya nang tatlong ulit at ng mga kamay niya hanggang sa siko nang tatlong ulit. Pagkatapos nagpahid siya sa ulo niya. Pagkatapos naghugas siya ng bawat paa nang tatlong ulit. Pagkatapos nagsabi siya: "Nakakita ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' kong ito." Nagsabi pa siya: @"Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' tulad ng wuḍū' kong ito pagkatapos nagdasal siya ng dalawang rak`ah nang hindi kumakausap sa dalawang ito sa sarili niya, magpapatawad si Allāh sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya.*"}

18- "Walang anumang Muslim na nagsasagawa ng wuḍū' – saka nagpapagaling ng wuḍū' niya, pagkatapos tumatayo saka nagdarasal ng dalawang rak`ah, habang nakatuon sa dalawang ito sa pamamagitan ng puso niya at mukha niya – malibang magigindapat para sa kanya ang Paraiso."* Nagsabi ako: "Anong galing nito!" Saka biglang may nagsasalita sa harapan niya, na nagsasabi: "Ang bago nito ay higit na magaling." Kaya tumingin ako saka biglang si `Umar ay nagsabi: "Tunay na ako ay nakakita nga sa iyo na dumating kanina." Nagsabi siya: "Walang kabilang sa inyo na isa mang nagsasagawa ng wuḍū' saka nagpaparubdob – o naglulubus-lubos – ng wuḍū', pagkatapos nagsasabi: Ashhadu an lā ilāha illa –llāhu wa-anna muḥammadan `abdu –llāhi wa-rasūluh (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Lingkod ni Allāh at Sugo Niya), malibang bubuksan para sa kanya ang walong pinto ng Paraiso, na papasok siya mula sa alinman sa mga ito na loloobin niya."}