إعدادات العرض
Nagbubuhol ang demonyo sa batok ng isa sa inyo, kapag ito ay natulog, ng tatlong buhol na naghihigpit siya sa bawat buhol: Sa iyo ay may mahabang gabi kaya muli kang matulog.
Nagbubuhol ang demonyo sa batok ng isa sa inyo, kapag ito ay natulog, ng tatlong buhol na naghihigpit siya sa bawat buhol: Sa iyo ay may mahabang gabi kaya muli kang matulog.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Nagbubuhol ang demonyo sa batok ng isa sa inyo, kapag ito ay natulog, ng tatlong buhol na naghihigpit siya sa bawat buhol: Sa iyo ay may mahabang gabi kaya muli kang matulog. Kaya kung nagising siya at inalaala si Allāh, pagkataas-taas Niya, may makakalag na isang buhol. Kung nagsagawa siya ng wuḍū', may makakalag na isang buhol. Kung nagdasal siya, makakalag ang mga buhol nito - ang lahat ng mga ito - kaya uumagahin siyang masigla, na kaaya-aya ang kaluluwa at kung hindi, uumagahin siyang karima-rimarim ang kaluluwa, na matamlay."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Kiswahili Português සිංහල Nederlands አማርኛ অসমীয়া Oromoo Tiếng Việt پښتو ગુજરાતી ไทย Română മലയാളം नेपाली Malagasy Deutsch Кыргызча తెలుగుالشرح
Ang kahulugan ng ḥadīth: Nagtatali ang demonyo sa dulo ng likuran ng ulo ng bawat natutulog ng tatlong buhol. Ang buhol ay alinsunod sa reyalidad nito at na ito ay gaya ng pagbubuhol ng mangkukulam sa sinumang kinukulam nito. Kumukuha ito ng isang pising nagbubuhol siya mula rito ng isang buhol, nagsasalita rito ng pangungulam, at naaapektuhan ang kinukulam sa sandaling iyon. Sa isang sanaysay ni Ibnu Mājah: "sa batok ng ulo ng isa sa inyo sa gabi ay may tali na may tatlong buhol." Nagtatali lamang sa dulo ng likuran ng ulo higit sa lahat dahil ito ay sentro ng mga lakas at larangan ng pag-aasal nito. Ito ay ang pinakatumatalima sa mga lakas sa demonyo at ang pinakamabilis sa mga ito bilang pagtugon sa paanyaya niya. Kapag nagtali siya rito, maaari siyang magdomina sa kaluluwa ng tao at magbunsod ng pagkatulog rito. Ang "naghihigpit siya sa bawat buhol" ay nangangahulugang: Tinatapik niya ng kamay niya bilang pagtitiyak at pagpapahigpit sa lugar ng bawat buhol na ibinuhol ng pagsabing ito: "Sa iyo ay may mahabang gabi," na nangangahulugang: "May natirang mahabang yugto ng gabi kaya matulog ka pa hanggang nais mo sapagkat tunay na ikaw, kapag nagising ka, ay makatatagpo ng sapat na oras para sa magsagawa ng ṣalāh sa gabi kaya matulog ka pa: bumalik ka sa tulog mo." Ang "Kaya kung nagising siya at inalaala si Allāh, pagkataas-taas Niya, may makakalag na isang buhol" ay dahil sa pagkaalaala kay Allāh, pagkataas-taas Niya. Ang "Kung nagsagawa siya ng wuḍū', may makakalag na isang buhol" ay nangangahulugang ang ikalawang buhol dahil sa biyaya ng wuḍū'. Sa isang sanaysay ni Imām Muslim: "Kaya kapag nagsagawa siya ng wuḍū', may nakakalag na dalawang buhol…" Ito ay sumasaklaw sa kapag naligo siya para sa kadalisayan mula sa malaking ḥadath. Ang "Kung nagdasal siya," kahit pa man isang rak`ah, "makakalag ang mga buhol nito" ay nangangahulugang makakalas ang ikatlong buhol. Sa sanaysay ni Imām Al-Bukhārīy: "makakalag ang mga buhol nito - ang lahat ng mga ito." Ang "kaya uumagahin siyang masigla" ay dahil sa tuwa niya sa pagtutuon ni Allāh sa kanya sa pagtalima, sa pangako sa kanya na gantimpala, at sa naalis sa kanya na mga buhol ng demonyo. Ang "kaaya-aya ang kaluluwa" ay dahil sa pagpapala sa kanya ni Allāh sa kaluluwa niya dahil sa magandang pag-aasal niya. Ang "at kung hindi" ay nangangahulugang: Kung hindi nagsagawa ng nabanggit na tatlong gawain, uumagahin siyang karima-rimarim ang kaluluwa, na matamlay," na nangangahulugan namang: Nagbabago ang kalagayan niya dahil sa pagpapabaya ng demonyo sa kanya na nakasanayan na nito o nilayon nito sa ginawa nito sa kanya. Nagsabi si Al-Ḥāfiđ ibnu Ḥijr, kaawaan siya ni Allāh: "Ang lumilitaw ay na sa ṣalāh sa gabi ay may lihim sa pagkakaaya-aya ng kaluluwa kahit pa man hindi nakagunita ang nagdarasal ng anuman sa binanggit niya at ganito rin ang kabaliktaran niyon. Alinsunod doon ang pahiwatig sa sabi Niya, pagkataas-taas Niya (Qur'ān 73:6): Tunay na ang pagsambang nagaganap sa gabi ay higit na matindi sa katatagan at higit na matuwid sa pagbigkas."