{Nagsagawa ng wuḍū' ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang tig-iisang ulit [na paghuhugas].}

{Nagsagawa ng wuḍū' ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang tig-iisang ulit [na paghuhugas].}

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsagawa ng wuḍū' ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang tig-iisang ulit [na paghuhugas].}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), sa ilan sa mga pagkakataon kapag nagsagawa siya ng wuḍū', ay naghugas ng bawat bahagi mula sa mga bahagi ng katawan para sa wuḍū' nang tig-iisang ulit sapagkat hinuhugasan niya ang mukha – at bahagi nito ang pagmumumog at ang pagsinga – ang mga kamay, at ang mga paa nang tig-iisang ulit. Ito ay ang kinakailangang sukat.

فوائد الحديث

Ang kinakailangan sa paghuhugas ng mga bahagi ng katawan para sa wuḍū' ay tig-iisang ulit. Ang anumang naidagdag, ito ay isinasakaibig-ibig.

Ang pagkaisinasabatas ng pagsasagawa ng wuḍū' nang tig-iisang ulit [na paghuhugas] sa ilan sa mga pagkakataon.

Ang isinasabatas sa pagpahid sa ulo ay iisang ulit.

التصنيفات

Ang mga Sunnah at ang mga Kaasalan ng Wuḍū', Ang Paglalarawan sa Wuḍū'