إعدادات العرض
Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang taong Muslim o ang mananampalataya kaya naghugas siya ng mukha niya, lalabas mula sa mukha niya ang bawat pagkakamali, na tiningnan niya ng mga mata niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig;
Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang taong Muslim o ang mananampalataya kaya naghugas siya ng mukha niya, lalabas mula sa mukha niya ang bawat pagkakamali, na tiningnan niya ng mga mata niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig;
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang taong Muslim o ang mananampalataya kaya naghugas siya ng mukha niya, lalabas mula sa mukha niya ang bawat pagkakamali, na tiningnan niya ng mga mata niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga kamay niya, lalabas mula sa mga kamay niya ang bawat pagkakamali, na ginawa ng mga kamay niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga paa niya, lalabas ang bawat pagkakamali, na nilakad ng mga paa niya, kasama ng tubig – o kasama ng huling patak ng tubig – hanggang sa lumabas siya na isang dalisay sa mga pagkakasala."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Hausa Kurdî தமிழ் অসমীয়া Nederlands Kiswahili ગુજરાતી Magyar ქართული Română Português ไทย తెలుగు मराठी دری አማርኛ Malagasy Македонски ភាសាខ្មែរ Українськаالشرح
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kapag nagsagawa ng wuḍū' ang Muslim o ang mananampalataya kaya naghugas siya ng mukha niya sa sandali ng pagsasagawa ng wuḍū', lalabas mula sa mukha niya ang bawat maliit na pagkakamali na tiningnan niya ng mga mata niya kasama ng tubig na bumabagsak matapos ng paghuhugas o kasama ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga kamay niya, lalabas mula sa mga kamay niya ang bawat maliit na pagkakamali na natamo ng mga kamay niya kasama ng tubig o kasama ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga paa niya, lalabas ang bawat maliit na pagkakamali na nilakad ng mga paa niya kasama ng tubig o kasama ng huling patak ng tubig, hanggang sa lumabas siya na isang dalisay sa mga pagkakasalang maliliit sa pagwawakas ng pagsasagawa ng wuḍū'.فوائد الحديث
Ang kainaman ng pagpapamalagi sa pagkakaroon ng wuḍū' at na ito ay nagtatakip-sala sa mga pagkakasala.
Bahagi ng pagpatnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagpapaibig sa mga tao sa mga pagtalima at mga pagsamba sa pamamagitan ng pagbanggit ng pabuya at mga gantimpala sa mga iyon.
Ang bawat bahaging kabilang sa mga bahagi ng tao ay nasasadlak sa ilan sa mga pagsuway. Dahil doon, ang mga pagkakasala ay sumusunod sa bawat bahaging pangkatawan na nagtamo ng mga ito at lumalabas mula sa bawat bahaging pangkatawan na nagbalik-loob mula sa mga ito.
Ang wuḍū' ay may pagdadalisay na pisikal. Ito ay kapag hinuhugasan ang mga bahaging pangkatawan ng wuḍū'. Ang pagdadalisay na espirituwal ay mula sa mga pagkakasalang naganap mula sa mga bahaging pangkatawan.