Maglubus-lubos ka sa pagsasagawa ng wuḍū'. Magsingit ka sa pagitan ng [isa't isa sa] mga daliri. Magpalabis ka sa pagsinghot ng tubig maliban na ikaw ay nag-aayuno."}

Maglubus-lubos ka sa pagsasagawa ng wuḍū'. Magsingit ka sa pagitan ng [isa't isa sa] mga daliri. Magpalabis ka sa pagsinghot ng tubig maliban na ikaw ay nag-aayuno."}

Ayon kay Laqīṭ bin Ṣabirah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Ako ay naging delegado ng Angkan ng Muntafiq - o sa delegasyon ng Angkan ng Muntafiq - sa Sugo ni Allāh (s). Noong dumating kami sa Sugo ni Allāh (s), hindi kami nakasumpong sa kanya sa tahanan niya at nakasumpong naman kami kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya. Nag-utos siya na maghanda para sa amin ng khazīrah saka ginawa naman ito para sa amin. Dinalhan kami ng isang bandehadong may datiles. Pagkatapos dumating ang Sugo ni Allah (s) saka nagsabi siya: "Hinainan ba kayo ng anuman o may ipinahanda ba para sa inyo na anuman?" Nagsabi kami: "Opo, O Sugo ni Allah." Habang kami naman kasama ng Sugo ni Allah (s) ay mga nakaupo, biglang humangos ang pastol ng mga tupa niya papunta sa pahingahan habang may kasama itong isang korderong umuungol. Kaya nagsabi siya: "Ano ang ipinanganak niyan, O Polano?" Nagsabi ito: "Babaing tupa." Nagsabi siya: "Kaya magkatay ka para sa amin kapalit niyan ng isang tupa." Pagkatapos nagsabi pa siya: "Huwag ka nga magpalagay, huwag ka ngang magpalagay na kami alang-alang sa iyo ay magkakatay nito. Mayroon kaming isang daang tupa na hindi kami nagnanais na madagdagan. Kaya kapag nagpaanak ang pastol ng isang babaing tupa, nagkakatay kami kapalit nito ng isang tupa." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allah, tunay na mayroon akong maybahay at tunay na sa dila niya ay may isang bagay." Tumutukoy ito sa kabastusan. Nagsabi siya: "Kaya diborsiyuhin mo siya, samakatuwid." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allah, tunay na mayroon siyang pinagsamahan [sa akin] at may anak ako sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya pag-utusan mo siya," nais niyang sabihing pangaralan mo siya, "sapagkat kung sa kanya ay may kabutihan, gagawin niya. Huwag kang mamalo sa kabiyak mo gaya ng pagpalo mo sa munting babaing alipin mo." Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allah, magpabatid ka sa akin tungkol sa wuḍū'. Nagsabi siya: "Maglubus-lubos ka sa pagsasagawa ng wuḍū'. Magsingit ka sa pagitan ng [isa't isa sa] mga daliri. Magpalabis ka sa pagsinghot ng tubig maliban na ikaw ay nag-aayuno."}

[Tumpak]

الشرح

Nagpabatid si Laqīṭ bin Ṣabirah (malugod si Allāh sa kanya) na nagdelegasyon siya sa Propeta (s) kasama ng iba pa sa kanya kabilang sa mga kalipi niya, ang Angkang ng Muntafiq. Nagsabi siya: "Hindi kami nakatagpo sa kanya sa tahahan niya at nakatagpo naman kami sa Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (r) saka nag-utos ito na gumawa para sa amin ng sopas mula sa harina at taba at may inihain para sa amin na isang bandehang may datiles. Pagkatapos dumating siya (s) saka nagsabi siya: "May inihain ba sa inyo na anumang pagkain?" Nagsabi kami: "Opo, O Sugo ni Allah." Nagsabi si Laqīṭ: "Habang kami naman kasama niya (s) ay mga nakaupo, biglang dumating ang pastol ng mga tupa ng Propeta (s), na nag-aakay ng mga ito paunta sa lugar ng pagmamagdamagan ng mga ito habang nagdadala kasama nito ng isang anak na tupa, na sumisigaw. Kaya nagsabi siya: "Ano ang ipinanganak niyan?" Nagsabi ito: "Babae po." Nagsabi siya: "Kaya magkatay ka para sa amin kapalit niyan ng isang tupa." Pagkatapos nagsabi pa siya (s): "Huwag ka nga magpalagay na kami alang-alang sa iyo ay magkakatay nito. Mayroon lamang kaming mga tupa na ang bilang ng mga ito ay isang daan at hindi kami nagnanais na madagdagan lampas sa bilang na ito. Kaya kapag may dumating na isang baong ipinanganak, nagkakatay kami kahalili nito." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allah, tunay na ang maybahay ko may dilang mahaba at may kahalayan. Kaya papaano po ang gagawin ko sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya diborsiyuhin mo siya, samakatuwid." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allah, tunay na mayroon siyang matagal na pinagsamahan sa akin at may supling ako sa kanya." Nagsabi siya: "Kaya pangaralan mo siya sapagkat kung sa kanya ay may kabutihan, tutugon siya pangaral mo; at kung hindi naman siya tumugon, paluin mo siya nang isang palong hindi nakasasakit. Huwag kang mamalo sa kanya gaya ng pagpalo mo sa mga alipin mo." Pagkatapos nagsabi pa si Laqīṭ: "O Sugo ni Allah, magpabatid ka sa akin tungkol sa wuḍū'. Nagsabi siya: "Magpaabot ka ng tubig sa sandali ng pagsasagawa ng wuḍū' sa mga parteng ukol dito. Magpalubos ka sa bawat bahaging hinuhugasan ng karapatan nito. Huwag kang mag-iwan ng anuman sa mga tungkulin dito at mga sunnah dito. Magpahiwalay ka ng mga daliri ng mga kamay mo at mga paa mo sa sandali ng paghuhugas sa mga ito. Magpasobra ka sa paghatak ng tubig paloob sa ilong mo sa sandali ng pagsasagawa ng wuḍū' at pagpapalabas nito maliban na ikaw ay nagsagawa nga ng pag-aayuno upan hindi pumasok ang tubig sa kaloob-looban mo."

فوائد الحديث

Ang pagkaisinasabatas ng pagpaparangal sa panauhanin.

Ang paglubus-lubos ay dalawang uri: 1. paglubus-lubos na kinakailangan, ang hindi nalulubos ang pagsasagawa ng wuḍū' kundi sa pamamagitan nito, na tintukoy rito ang paghuhugas ng bahaging hinuhugasan at ang pagkasaklam nito; 2. paglubus-lubos na isinasakaibigi-ibig, ang nalulubos ang pagsasagawa ng wuḍū' nang wala nito, na tinutukoy rito ang nadagdag sa kinakailangan na ikalawa at ikatlong paghuhugas at ito ay iminumungkahi.

Ang pagsasakaibig-ibig sa pagsisingit ng mga daliri ng mga kamay at mga paa sa sandali ng paghuhugas ng mga ito. Ang pagsisingit sa mga ito ay gumagawa sa tubigna nakaabot sa mga pagitan ng mga daliri.

Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Sumagot lamang ang Propeta (s) ng ilan sa mga sunnah ng wudu dahil ang tagapagtanong ay nakaaalam na sa saligan ng pagsasagawa ng wudu.

Kabilang sa mga kagandahan ng mga katangian ng pagkatao ng Propeta (s) ang pagpapahalaga niya sa mga damdamin ng mga ibang tao at ang pagsasaalang-alang sa mga sikolohiya nila.

Ang ḥadīth ay isang patunay sa pagkakinakailangan ng pagmumumog sa pagsasagawa ng wudu.

Ang ḥadīth ay isang patunay sa pagsasakaibig-ibig ng pagpapalabis sa pagsinghot ng tubig maliban sa nag-aayuno sapagkat ito ay hindi isinasakabig-ibig upang hindi humantong ang pagpapalabis sa pagsinghot ng tubig sa pagpasok sa ilong hanggang sa lalamunan para makasira ng ayuno.

May nasaad dito na isang patunay na hindi kinakailangan ang paglikas sa bawat sinumang umanib sa Islam dahil ang Angkan ng Muntafiq at ang iba pa sa kanila ay hindi lumikas; bagkus nagsugo sila ng mga delegasyon nila. Ito ay gayon din kapag sa isang lugar ay nakakakaya sa paglalantad ng Relihiyong Islam doon.

التصنيفات

Ang mga Sunnah at ang mga Kaasalan ng Wuḍū'