Tunay na ang dalawang mata ay tulad ng sinulid sa butas ng puwet, kapag nakatulog ang dalawang mata,nakakalagan ang sinulid

Tunay na ang dalawang mata ay tulad ng sinulid sa butas ng puwet, kapag nakatulog ang dalawang mata,nakakalagan ang sinulid

Ayon kay Mu'āwiyyah bin Abē Sufyān-malugod si Allāh sa kanya-siya ay nagsabi,Sinabi ng Sugo ni Allāh-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-:((Tunay na ang dalawang mata ay tulad ng sinulid sa butas ng puwet, kapag nakatulog ang dalawang mata,nakakalagan ang sinulid))

[Maganda] [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy]

الشرح

Ang kahulugan ng Hadith:"Ang dalawang mata ay tulad ng sinulid sa butas ng puwet" Ibig sabihin: Ang dalawang mata sa oras na gising ay napapangalagaan ang puwet, at nahahadlangan nito ang paglabas [sa anumang bagay] na lumalabas mula rito,At kapag may mga bagay na lumabas mula rito ay nararamdaman ito ng tao." At kapag nakatulog ang dalawang mata, nakakalagan ang sinulid" ibig sabihin; Ang tao kapag siya ay natutulog,nangyayari sa kanya ang pagpapahinga ng mga kalamnan sa katawan, kaya nakakalagan ang lubid na siyang nakatali sa butas ng puwet, at lumalabas mula rito ang hangin nang hindi ito nararamdaman.Kaya't ang Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-ay ihinalintulad niya ang mata sa lubid na itinatali sa mga lalagyan.Kapag ang dalawang mata ay nakamulat, ang lubid ay nakatali sa butas ng puwet,hanggang sa kapag may lumabas rito mula sa anumang bagay ay mararamdaman niya,At kapag nakatulog ang dalawang mata,makakalagan ang sinulid,at lalabas ang mga bagay na nasa ilalim ng bote na hindi niya namamalayan ang paglabas nito.At ito ay bahagi ng paghahalintulad at ito ay;Ganap na paghahalintulad mula sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-upang maging malapit ang Panuntunan ng Batas ng Islam sa pag-unawa.At ito ay kabilang sa mga kabuuang salita [kaunting salita na may maraming kahulugan] na siyang ipinagkaloob sa Propeta-pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan-Tawdīh Al-Ahkām (1/319) Tashīl Al-Ilmām (1/208)

التصنيفات

Ang mga Nakasisira sa Wuḍū'