Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagtulog niya at nagsagawa ng wudhu,suminga ito ng tatlong beses,sapagkat si satanas ay natutulog sa loob ng ilong niya

Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagtulog niya at nagsagawa ng wudhu,suminga ito ng tatlong beses,sapagkat si satanas ay natutulog sa loob ng ilong niya

Ayon kay Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu: ((Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagtulog niya at nagsagawa ng wudhu,suminga ito ng tatlong beses,sapagkat si satanas ay natutulog sa loob ng ilong niya))

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ipinapaalam ni Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya.-na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi :"Kapag nagising ang isa sa inyo mula sa pagtulog niya at nagsagawa ng wudhu" ibig sabihin ay ninais na magsagawa ng wudhu "Suminga ito" ibig sabihin ay:hugasan niya ang nasa loob ng ilong niya nang "tatlong beses" At isinalaysay ang pagpapaliwang ng Propeta sa dahilan ng pagsinga na ito para sa sinumang bumangon mula sa kanyang pagtulog: Sa pagkasabi niya ng: "Sapagkat si satanas" ang letrang [FA] ay para sa dahilan"natutulog sa loob ng ilong niya" ibig sabihin:Kapag hindi nakayanan ni satanas ang pagbubulong sa pagtulog upang matanggal ang nararamdaman nito,natutulog siya sa pinakadulo ng ilong upang ihagis nito sa utak niya ang walang katotohanang panaginip,at hahadalangan niya ito sa mabuting panaginip,Dahila ang kinalalagyan niya ay ang utak,Kaya ipinag-utos niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na hugasan ang nasa loob ng mga ilong nila,upang tanggalin ang dumi ni satanas at ang baho niya rito,at ang tunay na tinitirahan ni satanas,Sapagkat ang ilong ay isa sa mga bintana patungo sa puso,at wala rito at gayundin sa dalawang tainga ang pantakip.At sa isang Hadith: Tunay na si satanas ay hindi nakakapagbukas ng naisara,at naisalaysay ang pag-uutos sa pagsara ng bunganga sa paghihikab,upang sa ganoon ay hindi makapasok si satanas sa bunganga.

التصنيفات

Ang Paglalarawan sa Wuḍū'