Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magsabi siya ng mabuti o manahimik siya

Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magsabi siya ng mabuti o manahimik siya

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magsabi siya ng mabuti o manahimik siya. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magparangal siya sa kapitbahay niya. Ang sinumang sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay magparangal siya sa panauhin niya."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang lingkod na mananampalataya kay Allāh at sa Huling Araw na tungo roon ang pangako sa kanya at naroon ang pagganti sa kanya sa gawa niya ay hinihimok ng pananampalataya niya sa paggawa ng mga gawaing ito: UNA: Ang Magandang Salita: gaya ng tasbīḥ at tahlīl, pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway ng nakasasama, at pagsasaayos sa mga tao ngunit kung hindi siya makagagawa niyon ay manatili siya sa katahimikan, magpigil siya ng perhuwisyo niya, at mangalaga siya ng dila niya. IKALAWA: Ang Pagpaparangal sa Kapit-bahay: Sa pamamagitan ng paggawa ng maganda sa kanya at hindi pamemerhuwisyo sa kanya. IKATLO: Ang Pagpaparangal sa Panauhing Dumating Para sa Pagdalaw sa Iyo: Sa pamamagitan ng kaayahan ng pananalita, pagkakaloob ng pagkain, at tulad nito.

فوائد الحديث

Ang pananampalataya kay Allāh at sa Huling Araw ay isang saligan ng bawat kabutihan at pumupukaw sa paggawa ng kabutihan.

Ang pagbibigay-babala sa mga salot ng dila.

Ang Relihiyong Islām ay Relihiyon ng Pagkapalagayang-loob at Karangalan.

Ang mga gawaing ito ay kabilang sa mga sangay ng pananampalataya at kabilang sa mga etiketang napapupurihan.

Ang dami ng pagsasalita ay maaaring humatak tungo sa kinasusuklaman o ipinagbabawal. Ang kaligtasan ay nasa hindi pagsasalita malibang kaugnay sa kabutihan.

التصنيفات

Ang Etikang Kapuri-puri