'Pansinin, tunay na ako ay hindi nagpasumpa sa inyo dala ng paghihinala sa inyo. Subalit pumunta sa akin si Anghel Gabriel saka nagpabatid sa akin na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagmamapuri sa inyo sa mga anghel.'"}

'Pansinin, tunay na ako ay hindi nagpasumpa sa inyo dala ng paghihinala sa inyo. Subalit pumunta sa akin si Anghel Gabriel saka nagpabatid sa akin na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagmamapuri sa inyo sa mga anghel.'"}

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy na nagsabi: {Pumunta si Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) sa kinaroroonan ng isang umpukan sa masjid saka nagsabi siya: "Ano ang nagpaupo sa inyo?" Nagsabi sila: "Umupo kami na nag-aalaala kay Allāh." Nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh, walang nagpaupo sa inyo kundi iyan?" Nagsabi sila: "Sumpa man kay Allāh, walang nagpaupo sa amin kundi iyan." Nagsabi siya: "Pansinin, tunay na ako ay hindi nagpasumpa sa inyo dala ng paghihinala sa inyo. Hindi nagkaroon ng isang nasa katayuan ko sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na higit na kaunti sa sanaysay tungkol sa kanya kaysa sa akin. Tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pumunta sa kinaroroonan ng isang umpukan ng mga Kasamahan saka nagsabi: 'Ano ang nagpaupo sa inyo?' Nagsabi sila: 'Umupo kami na nag-aalaala kay Allāh at nagpupuri sa Kanya dahil nagpatnubay Siya sa amin sa Islām at nagamagandang-loob Siya nito sa amin.' Nagsabi siya: 'Sumpa man kay Allāh, walang nagpaupo sa inyo kundi iyan?' Nagsabi sila: 'Sumpa man kay Allāh, walang nagpaupo sa amin kundi iyan.' Nagsabi siya: 'Pansinin, tunay na ako ay hindi nagpasumpa sa inyo dala ng paghihinala sa inyo. Subalit pumunta sa akin si Anghel Gabriel saka nagpabatid sa akin na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagmamapuri sa inyo sa mga anghel.'"}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Pumunta si Mu`āwiyah bin Abī Sufyān (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa kinaroroonan ng isang umpukan sa masjid saka nagtanong siya sa kanila hinggil sa aling bagay nagtipon sila. Kaya nagsabi sila: "Nag-aalaala kami kay Allāh." Kaya nagpasumpa siya sa kanila (malugod si Allāh sa kanila) na sila ay hindi nagnais sa pag-upo nila at pagtitipon nila kundi ng pag-aalaala. Kaya sumumpa naman sila sa kanya. Pagkatapos nagsabi siya sa kanila: "Tunay na ako ay hindi nagpasumpa sa inyo dala ng paghihinala sa inyo at dala ng pagdududa sa katapatan niny." Pagkatapos nagpabatid siya tungkol sa katayuan niya sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan), na hindi nagkaroon ng isang nasa katayuan ng kalapitan niya rito dahil sa pagiging si Ummu Ḥabibah na kapatid niya ay maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at dahil sa pagiging siya ay kabilang sa mga tagasulat ng kasi. Gayon pa man, siya ay kaunti ang pagsasalaysay ng mga ḥadīth. Nagsanaysay siya sa kanila na ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay lumabas ng bahay nito isang araw saka nakatagpo ito sa kanila na mga nakaupo sa masjid na nag-aalaala kay Allāh at nagpupuri sa Kanya dahil nagpatnubay Siya sa kanila sa Islām at nagmagandang-loob Siya nito sa kanila. Nagtanong ito (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa kanila at nagpasumpa sa kanila ng tulad sa ginawa ni Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) sa mga Kasamahan niya. Pagkatapos nagsabi sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa kadahilanan ng pagtatanong niya sa kanila at pagpapasumpa sa kanila: na pumunta sa kanya si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) saka nagpabatid sa kanya na: "Si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nakikipagmapuri at nakikipagmalaki sa kanila sa mga anghel, naghahayag ng kainaman ninyo sa kanila, nagpakita sa kanila ng kagandahan ng gawain ninyo, at nagbubunyi sa inyo sa piling nila."

فوائد الحديث

Ang kainaman ni Mu`āwiyah (malugod si Allāh sa kanya) at ang sigasig niya sa pagtulad sa Sugo ni Allāh (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapaabot ng kaalaman.

Ang pagpayag sa pagpapasumpa nang walang pagpaparatang para sa pagtawag-pansin sa kahalagahan ng pabatid.

Ang kainaman ng mga pagtitipon ng pag-aalaala kay Allāh at kaalaman at na si Allāh ay nakaiibig ng mga ito at nagmamapuri ng mga ito sa mga anghel.

التصنيفات

Ang Kalamangan ng Kaalaman, Ang mga Kainaman ng Dhikr