Huwag kang magalit

Huwag kang magalit

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaking nagsabi sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magtagubilin ka po sa akin." Nagsabi siya: "Huwag kang magalit." Kaya umulit ito nang makailan. Nagsabi siya: "Huwag kang magalit."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Humiling ang isa sa mga Kasamahan (ang lugod ni Allāh ay sumakanila) sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) na gumabay ito sa kanya sa isang bagay na magpapakinabang sa kanya, kaya nag-utos ito sa kanya na huwag siyang magalit. Ang kahulugan niyon ay na umiwas siya sa mga kadahilanan na magdadala sa kanya sa pagkagalit at na magpigil siya sa sarili niya kapag nangyari sa kanya ang pagkagalit, kaya naman huwag siyang manatili sa galit niya sa pamamagitan ng pagpatay o pananakit o pag-alipusta at tulad niyon. Nag-ulit-ulit ang lalaki sa paghiling ng tagubilin nang makailan ngunit hindi nagdagdag sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagtatagubilin higit sa pagsabi ng: "Huwag kang magalit."

فوائد الحديث

Ang pagbibigay-babala laban sa pagkagalit at mga kadahilanan nito sapagkat tunay na ito ay ang kinasalalayan ng kasamaan at ang pag-iingat laban dito ay ang kinasalalayan ng kabutihan.

Ang pagkagalit alang-alang kay Allāh gaya ng pagkagalit sa sandali ng paglabag sa mga pinakababanal ni Allāh ay bahagi ng pagkagalit na napapupurihan.

Ang pag-uulit-ulit ng salita sa sandali ng pangangailangan ay nang sa gayon magkamalay rito ang nakaririnig at makatalos siya sa kahalagahan nito.

Ang kainaman ng paghiling ng tagubilin mula sa nakaaalam.

التصنيفات

Ang Etikang Kapuri-puri