Ang sinumang nagsuot ng sutla sa Mundo ay hindi magsusuot nito sa Kabilang-buhay."}

Ang sinumang nagsuot ng sutla sa Mundo ay hindi magsusuot nito sa Kabilang-buhay."}

Ayon kay `Umar (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsuot ng sutla sa Mundo ay hindi magsusuot nito sa Kabilang-buhay."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsuot ng sutla kabilang sa mga lalaki sa Mundo ay hindi magsusuot nito sa Kabilang-buhay, kapag hindi siya nagbalik-loob, bilang parusa sa kanya.

فوائد الحديث

Ang tinutukoy ng sutla ay ang dalisay na likas na sutla. Hinggil naman sa artipisyal na sutla, hindi sumasaklaw rito ang ḥadīth.

Ang pagbabawal ng pagsusuot ng sutla ay sa mga lalaki.

Ang pagsaway laban sa pagsusuot ng sutla ay sumasaklaw sa pagsusuot nito at pagbabanig nito.

Pinapayagan sa mga lalaki ang isang bahagi ng sutla sa mga kasuutan, na hindi lumalampas ang lapad nito sa dalawang daliri hanggang sa apat na daliri, na ginagawang mga tanda o gilid ng kasuutan.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan sa Kasuutan