إعدادات العرض
Manatili kayo ng pangingilag magkasala kay Allāh at pagdinig at pagtalima [sa pinuno], kahit pa siya ay isang aliping Etyope. Makakikita kayo matapos ko ng isang matinding pagkakaiba-iba. Kaya manatili kayo sa Sunnah ko at Sunnah ng mga Matinong Napatnubayang Khalīfah
Manatili kayo ng pangingilag magkasala kay Allāh at pagdinig at pagtalima [sa pinuno], kahit pa siya ay isang aliping Etyope. Makakikita kayo matapos ko ng isang matinding pagkakaiba-iba. Kaya manatili kayo sa Sunnah ko at Sunnah ng mga Matinong Napatnubayang Khalīfah
Ayon kay Al-`Irbāḍ bin Sāriyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tumayo sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw, saka nangaral siya sa amin ng isang marubdob na pangaral na nasindak dito ang mga puso at lumuha dahil dito ang mga mata. Kaya sinabi: "O Sugo ni Allāh, nangaral ka po sa amin ng isang pangaral ng isang namamaalam, kaya maghabilin ka po sa amin ng isang habilin." Kaya nagsabi siya: "Manatili kayo ng pangingilag magkasala kay Allāh at pagdinig at pagtalima [sa pinuno], kahit pa siya ay isang aliping Etyope. Makakikita kayo matapos ko ng isang matinding pagkakaiba-iba. Kaya manatili kayo sa Sunnah ko at Sunnah ng mga Matinong Napatnubayang Khalīfah. Kumagat kayo rito ng mga bagang ninyo. Kaingat kayo sa mga bagay-bagay na pinauso sapagkat tunay na ang bawat bid`ah ay kaligawan."}
الترجمة
العربية English မြန်မာ Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá اردو Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە Türkçe සිංහල हिन्दी Tiếng Việt Hausa Kiswahili ไทย پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or नेपाली Malagasy Română Kinyarwanda বাংলা తెలుగు Bosanski Kurdî Lietuvių Oromoo മലയാളം Nederlands Soomaali Shqip Српски Deutsch Українська ಕನ್ನಡ Wolof Moore Português ქართული Azərbaycan 中文 Magyar فارسی தமிழ் Македонскиالشرح
Nangaral ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya ng isang marubdob na pangaral na nangamba rito ang mga puso at lumuha dahil dito ang mga mata. Kaya nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, para bang iyan ay isang pangaral ng isang namamaalam." Dahil ito sa nakita nila na pagpapasidhi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pangangaral kaya humiling sila ng isang tagubilin upang kapitan nila matapos niya. Nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa inyo ng pangingilag magkasala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) – at iyon ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga kinakailangan at pag-iwan sa mga ipinagbabawal – at ng pagdinig at pagtalima – ibig sabihin: sa mga pinuno – kahit pa namuno sa inyo ang isang alipin o namahala ito sa inyo. Ibig sabihin: ang pinakamababang nilikha ay naging pinuno sa inyo. Kaya huwag kayong mangmata niyon at tumalima kayo sa kanya, dala ng pangamba ng pagpukaw ng mga sigalot sapagkat tunay na ang sinumang mamumuhay kabilang sa inyo ay makakikita ng maraming pagkakaiba-iba. Pagkatapos nilinaw niya sa kanila ang labasan mula sa pagkakaiba-ibang ito. Iyon ay sa pamamagitan ng pagkapit sa Sunnah niya at Sunnah ng mga Matinong Napatnubayang Khalīfah noong matapos niya, na sina Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq, `Umar bin `Al-Khaṭṭāb, `Uthmān bin `Affān, at `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanilang lahat), at ng pagkagat dito ng mga bagang-bait – ibig sabihin: ang mga huling bagang. Ipinakakahulugan sa pamamagitan niyon ang pagseseryoso sa pananatili sa Sunnah at pagkapit dito. Nagbigay-babala siya laban sa mga pinausong ginawang bid`ah na gawain sa Relihiyong Islām sapagkat tunay na ang bawat bid`ah ay kaligawan.فوائد الحديث
Ang kahalagahan ng pagkapit sa Sunnah at pagsunod dito.
Ang pagmamalasakit sa mga pangaral at ang pagpapalambot ng mga puso.
Ang utos ng pagsunod sa Apat na Matinong Napatnubayang Khalīfah noong matapos niya. Sila ay sina Abū Bakr, `Umar, `Uthmān, at `Alīy (malugod si Allāh sa kanila).
Ang pagsaway laban sa paggawa ng bid`ah sa Relihiyon at na ang lahat ng mga bid`ah ay kaligawan.
Ang pagdinig at ang pagtalima sa sinumang bumabalikat sa pamamahala sa mga mananampalataya sa isang hindi pagsuway.
Ang kahalagahan ng pangingilag magkasala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa lahat ng mga oras at mga kalagayan.
Ang pagkakaiba-iba ay nagaganap sa Kalipunang ito. Sa sandali ng pangyayari nito, inoobliga ang pagbalik sa Sunnah ng Sugo ni Allāh at mga Matinong Khalīfah.