Tunay na ang mananampalataya ay talagang makaaabot sa pamamagitan ng kagandahan ng kaasalan niya sa antas ng nag-aayuno na nagdarasal [pa sa gabi]."}

Tunay na ang mananampalataya ay talagang makaaabot sa pamamagitan ng kagandahan ng kaasalan niya sa antas ng nag-aayuno na nagdarasal [pa sa gabi]."}

Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang mananampalataya ay talagang makaaabot sa pamamagitan ng kagandahan ng kaasalan niya sa antas ng nag-aayuno na nagdarasal [pa sa gabi]."}

[Tumpak sa pamamagitan ng mga patotoo nito]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kagandahan ng kaasalan ay nagpapaabot sa tagapagtaglay nito sa katayuan ng tagapagpamalagi sa pag-aayuno sa araw at pagdarasal sa gabi. Ang kinasalalayan ng kagandahan ng kaasalan ay ang pagkakaloob ng nakabubuti, ang kagandahan ng pagsasalita, ang kaaliwalasan ng mukha, ang pagpipigil sa perhuwisyo, at ang pagbabata niya dahil sa mga tao.

فوائد الحديث

Ang kasukdulan ng pagmamalasakit ng Islām sa paghubog sa mga kaasalan at kalubusan ng mga ito.

Ang kainaman ng kagandahan ng kaasalan hanggang sa umabot ang tao sa pamamagitan nito sa antas ng tagapag-ayunong hindi tumitigil-ayuno at tagapagdasal sa gabi na hindi napapagod.

Ang pag-aayuno sa maghapon at ang pagdarasal sa gabi ay dalawang dakilang gawaing sa dalawang ito ay may hirap sa mga kaluluwa. Umabot sa antas ng dalawang ito ang tagapagtaglay ng kagandahan ng kaasalan dahil sa pakikipagpunyagi niya sa sarili niya sa pamamagitan ng kagandahan ng pakikitungo.

التصنيفات

Ang Etikang Kapuri-puri