إعدادات العرض
Mangilag kang magkasala kay Allāh nasaan ka man naging. Pasundan mo ang gawang masagwa ng gawang maganda na papawi rito. Umasal ka sa mga tao sa isang magandang kaasalan."}
Mangilag kang magkasala kay Allāh nasaan ka man naging. Pasundan mo ang gawang masagwa ng gawang maganda na papawi rito. Umasal ka sa mga tao sa isang magandang kaasalan."}
Ayon kina Abū Dharr Jundub bin Junādah at Abū `Abdirraḥmān Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Mangilag kang magkasala kay Allāh nasaan ka man naging. Pasundan mo ang gawang masagwa ng gawang maganda na papawi rito. Umasal ka sa mga tao sa isang magandang kaasalan."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Português සිංහල Македонски नेपाली دری پښتو Shqip ગુજરાતી ភាសាខ្មែរ Українська Čeština Magyar Српски ქართული ਪੰਜਾਬੀ Kiswahili Lietuvių ಕನ್ನಡ മലയാളം тоҷикӣ kmr తెలుగుالشرح
Nag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng tatlong bagay: Ang Una. Ang pangingilag magkasala kay Allāh. Iyon ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga kinakailangan at pag-iwan ng mga ipinagbabawal sa bawat lugar, panahon, at kalagayan nang palihim at hayagan, sa kagalingan, pagsubok, at iba pa roon. Ang Ikalawa. Kapag nasadlak ka sa isang masagwang gawa, gumawa ka matapos nito ng isang magandang gawa gaya ng pagdarasal, kawanggawa, pagsasamabuting-loob, pakikipag-ugnayang pangkaanak, pagbabalik-loob, at iba pa roon sapagkat tunay na iyon ay papawi sa masagwang gawa. Ang Ikatlo. Makitungo ka sa mga tao nang may mga magandang kaasalan gaya ng pagngiti sa harap nila, kalumayan, kabanayaran, pagkakaloob ng nakabubuti, at pagpigil ng perhuwisyo.فوائد الحديث
Ang kabutihang-loob ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa mga lingkod sa pagkaawa Niya, pagpapatawad Niya, at pagpapaumanhin Niya.
Naglaman ang ḥadīth ng tatlong karapatan: ang karapatan ni Allāh sa pamamagitan ng pangingilag magkasala, ang karapatan ng sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mga magandang gawa matapos ng mga masagwang gawa, at ang karapatan ng mga tao sa pakikitungo sa pamamagitan ng mga kaasalang maganda.
Ang pagpapaibig sa paggawa ng mga magandang gawa matapos ng mga masagwang gawa. Ang kagandahan ng kaasalan ay kabilang sa mga kakanyahan ng pangingilag magkasala. Itinangi lamang ito sa pagbanggit dahil sa pangangailangan sa paglilinaw sa mga iyon.
التصنيفات
Ang Etikang Kapuri-puri