إعدادات العرض
Tunay na si Allāh ay nagsatungkulin ng pagpapaganda sa bawat bagay
Tunay na si Allāh ay nagsatungkulin ng pagpapaganda sa bawat bagay
Ayon kay Shaddād bin Aws (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dalawang naisaulo ko buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na si Allāh ay nagsatungkulin ng pagpapaganda sa bawat bagay. Kaya kapag pumatay kayo, pagandahin ninyo ang pagkapatay. Kapag kumatay kayo, pagandahin ninyo ang pagkatay. Hasain ng isa sa inyo ang patalim niya saka bigyang-kapahingahan niya ang kakatayin niya."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் မြန်မာ Русский Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip සිංහල دری Svenska አማርኛ Čeština Fulfulde ગુજરાતી Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy Nederlands or Română Kinyarwanda Српски тоҷикӣ ไทย O‘zbek Yorùbá Moore नेपाली Oromoo Wolof Soomaali Български Українська Azərbaycan bm ქართული Македонскиالشرح
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay nag-obliga sa atin ng paggawa ng maganda sa lahat ng mga bagay. Ang paggawa ng maganda ay ang pagsasaalang-alang kay Allāh palagi sa pagsamba sa Kanya at sa pagkakaloob ng kabutihan at pagpigil ng perhuwisyo sa mga nilikha. Kabilang doon ang paggawa ng maganda sa pagpatay at pagkatay. Ang paggawa ng maganda sa pagpatay ay sa sandali ng ganting-pinsala sa pamamagitan ng pagpili ng pinakamadali sa mga pamamaraan, pinakamagaan sa mga ito, at pinakamabilis sa mga ito sa pagpaslang sa papatayin. Ang paggawa ng maganda sa pagkatay ay sa sandali ng pagkatay ng hayop sa pamamagitan ng pagpapakabanayad sa hayop sa pamamagitan ng paghahasa ng kasangkapan, na hindi maghasa nito sa harap ng kakatayin habang ito ay nakatingin sa patalim, at na hindi magkatay nito habang doon ay may mga hayop na nakatingin sa kakatayin.فوائد الحديث
Ang awa ni Allāh at ang kabaitan Niya sa nilikha.
Ang paggawa ng maganda sa pagpatay at pagkatay ay sa pamamagitan ng pagiging ito ay alinsunod sa paraang isinasabatas.
Ang kalubusan ng Batas ng Islām at ang pagkasaklaw nito sa bawat kabutihan. Kabilang doon ang pagkaawa sa hayop at ang kabanayaran dito.
Ang pagsaway laban sa pagluray sa tao matapos ng pagkapatay rito.
Ang pagbabawal sa bawat anumang may pagpapasakit sa hayop.