Huwag kayong magsuot ng manipis na sutla ni makapal na sutla. Huwag kayong uminom sa lalagyang yari sa ginto at pilak at huwag kayong kumain sa mga platong yari sa mga ito sapagkat tunay na ang mga ito ay para sa kanila sa Mundo at para sa atin sa Kabilang-buhay."}

Huwag kayong magsuot ng manipis na sutla ni makapal na sutla. Huwag kayong uminom sa lalagyang yari sa ginto at pilak at huwag kayong kumain sa mga platong yari sa mga ito sapagkat tunay na ang mga ito ay para sa kanila sa Mundo at para sa atin sa Kabilang-buhay."}

Ayon kay `Abdurraḥmān bin Abī Laylā: {Sila minsan ay nasa piling ni Ḥudhayfah saka humiling siya ng tubig. Kaya nagbigay naman sa kanya ang isang Mago ngunit noong inilagay nito ang tasa sa kamay niya, itinapon niya iyon at nagsabi siya: "Kung hindi dahil na ako ay sumaway sa kanya nang hindi isang ulit ni dalawang, " para bang siya ay magsasabi: "hindi sana ako gumawa nito; subalit ako ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: Huwag kayong magsuot ng manipis na sutla ni makapal na sutla. Huwag kayong uminom sa lalagyang yari sa ginto at pilak at huwag kayong kumain sa mga platong yari sa mga ito sapagkat tunay na ang mga ito ay para sa kanila sa Mundo at para sa atin sa Kabilang-buhay."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga lalaki laban sa pagsusuot ng seda sa iba't ibang uri nito. Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga lalaki at mga babae laban sa pagkain at pag-inom sa mga lalagyan at mga sisidlang yari sa ginto at pilak. Nagpabatid siya na ang mga ito ay natatangi sa mga mananampalataya sa Araw ng Pagbangon dahil sila ay umiwan sa mga ito sa Mundo dala ng pagtalima kay Allāh. Hinggil naman sa mga tagatangging sumampalataya, walang para sa kanila sa Kabilang-buhay dahil sila ay nagmadali sa mga kaaya-ayang bagay nila sa buhay nila sa Mundo dahil sa paggamit nila ng mga ito at pagsuway nila sa utos ni Allāh.

فوائد الحديث

Ang pagbabawal ng pagsusuot ng manipis na sutla at makapal na sutla sa mga lalaki at ang matinding banta sa sinumang nagsusuot nito.

Pinapayagan para sa babae ang magsuot ng manipis na sutla at makapal na sutla.

Ang pagbabawal sa pagkain at pag-inom sa mga lalagyang yari sa ginto at pilak at mga sisidlang yari sa mga ito sa mga lalaki at mga babae.

Ang pagpapagaspang ng tugon ni Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) sa pagmamasama, na nagbigay-katwiran siya roon, ay dahil siya ay sumaway na rito nang higit sa isang ulit laban sa paggamit ng lalagyang yari sa ginto at pilak subalit ito ay hindi pa rin tumigil.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan sa Kasuutan