إعدادات العرض
Ang sinumang nagsabi ng Subḥāna llāhi wa-biḥamdihi (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya) nang isandaang ulit sa isang araw, aalisin sa kanya ang mga kamalian niya kahit pa ang mga ito ay tulad [ng dami] ng mga bula ng dagat."}
Ang sinumang nagsabi ng Subḥāna llāhi wa-biḥamdihi (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya) nang isandaang ulit sa isang araw, aalisin sa kanya ang mga kamalian niya kahit pa ang mga ito ay tulad [ng dami] ng mga bula ng dagat."}
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagsabi ng Subḥāna llāhi wa-biḥamdihi (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya) nang isandaang ulit sa isang araw, aalisin sa kanya ang mga kamalian niya kahit pa ang mga ito ay tulad [ng dami] ng mga bula ng dagat."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili မြန်မာ ไทย Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands ئۇيغۇرچە தமிழ் دری Fulfulde Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy Română Kinyarwanda नेपाली Српски Wolof Soomaali Moore Українська Български Azərbaycan ქართული тоҷикӣ bm Oromoo Македонскиالشرح
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi nang isandaang ulit sa isang araw ng Subḥāna –llāhi wa-biḥamdihi (Kaluwalhatian kay Allāh at kalakip ng papuri sa Kanya), buburahin ang mga kamalian niya at patatawarin, kahit pa man ang mga ito ay marami tulad ng puting bula na pumapaibabaw sa dagat sa sandali ng pag-alon nito at pagkabulabog nito.فوائد الحديث
Ang pabuyang ito ay mangyayari sa sinumang nagsabi nito sa araw nang magkakasunud-sunod o nang magkakahiwa-hiwalay.
Ang pagluwalhati ay ang pagpapawalang-kinalaman kay Allāh sa kakulangan. Ang papuri ay ang paglalarawan kay Allāh ng kalubusan kasama ng pag-ibig at pagdakila.
Ang tinutukoy sa ḥadīth ay ang pagtatakip-sala sa maliliit sa mga pagkakasala. Hinggil naman sa malalaking kasalanan, walang pag-iwas para sa mga ito sa pagbabalik-loob.
التصنيفات
Ang mga Kainaman ng Dhikr