Ang sinumang hindi naaawa sa mga tao ay hindi maaawa sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}

Ang sinumang hindi naaawa sa mga tao ay hindi maaawa sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}

Ayon kay Jarīr bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang hindi naaawa sa mga tao ay hindi maaawa sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang hindi naaawa sa mga tao ay hindi maaawa sa kanya si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Kaya naman ang pagkaawa ng tao sa nilikha ay kabilang sa pinakamalaki sa mga kadahilanan na ikinatatamo ng awa ni Allāh (napakataas Siya).

فوائد الحديث

Ang pagkaawa ay hinihiling para sa nalalabi sa mga nilikha subalit itinangi ang mga tao sa pagbanggit bilang pagpapahalaga sa kanila.

Si Allāh ay ang Maawain at naaawa sa mga lingkod Niya na mga maaawain sapagkat ang ganti ay kabilang sa uri ng gawain.

Ang pagkaawa sa mga tao ay sumasaklaw sa pagpapaabot ng kabutihan sa kanila. pagtaboy ng kasamaan palayo sa kanila, at pakikitungo sa kanila ayon sa pinakamaganda.

التصنيفات

Ang Etikang Kapuri-puri