Tunay na si Allāh ay talagang nalulugod sa tao na kumain ito ng pagkain para magpuri sa Kanya dahil doon o uminom ito ng inumin para magpuri sa Kanya dahil doon."}

Tunay na si Allāh ay talagang nalulugod sa tao na kumain ito ng pagkain para magpuri sa Kanya dahil doon o uminom ito ng inumin para magpuri sa Kanya dahil doon."}

Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay talagang nalulugod sa tao na kumain ito ng pagkain para magpuri sa Kanya dahil doon o uminom ito ng inumin para magpuri sa Kanya dahil doon."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagpuri ng tao sa Panginoon nito dahil sa kabutihang-loob Niya at mga biyaya Niya ay kabilang sa bagay-bagay na nagtatamo ito sa pamamagitan ng mga iyon ng kaluguran ni Allāh, kaya naman kumakain ito ng pagkain, nagsasabi ito ng Alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh), umiinom ito ng inumin, at nagsasabi ito ng Alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh).

فوائد الحديث

Ang pagkamapagbigay ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sapagkat nagmabuting-loob nga Siya dahil sa pagtustos at nalugod nga Siya dahil sa papuri.

Ang pagkalugod ni Allāh ay natatamo sa pamamagitan ng pinakamadaling kadahilanan gaya ng papuri [sa Kanya] matapos ng pagkain at pag-inom.

Kabilang sa mga etiketa ng pagkain at pag-inom ang pagpuri kay Allāh (napakataas Siya) matapos agad ng pagkain at pag-inom.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan ng Pagkain at Pag-inom