إعدادات العرض
Ang sinumang gumabay sa isang kabutihan, ukol sa kanya ang tulad sa pabuya ng tagagawa nito
Ang sinumang gumabay sa isang kabutihan, ukol sa kanya ang tulad sa pabuya ng tagagawa nito
Ayon kay Abū Mas`ūd Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Tunay na ako ay nawalan ng masasakyan kaya magpasakay ka sa akin." Kaya nagsabi siya: "Wala akong taglay." Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, ako ay gagabay sa kanya sa sinumang magsasakay sa kanya." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh: "Ang sinumang gumabay sa isang kabutihan, ukol sa kanya ang tulad sa pabuya ng tagagawa nito."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు Kiswahili தமிழ் မြန်မာ Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands ئۇيغۇرچە සිංහල ไทย دری Fulfulde Magyar ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių or Română Kinyarwanda Српски O‘zbek Moore नेपाली Oromoo Wolof Soomaali Български Українська Azərbaycan ქართული Malagasy Lingala тоҷикӣ bm Македонскиالشرح
May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Tunay na ako ay nasawian ng sasakyang hayop ko kaya magpasakay ka sa akin sa isang hayop at magbigay ka sa akin ng isang masasakyang magpaparating sa akin." Humingi naman ng paumanhin dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay walang taglay na anumang magdadala rito. Kaya may nagsabing isang lalaki na naroon: "O Sugo ni Allāh, ako ay gagabay sa kanya sa magsasakay sa kanya." Kaya nagpabatid ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na iyon ay isang katambal para tagapagkawanggawa sa pabuya dahil iyon ay gumabay sa nangangailangan.فوائد الحديث
Ang paghimok sa paggabay sa kabutihan.
Ang paghikayat sa paggawa ng kabutihan ay kabilang sa mga kadahilanan ng bukluran ng lipunang Muslim at pagkakabuuhan nito.
Ang lawak ng kabutihang-loob ni Allāh.
Ang ḥadīth ay isang pangkalahatang panuntunan kaya napaloloob dito ang lahat ng mga gawain ng kabutihan.
Ang tao, kapag hindi nakakaya sa pagsasakatotohanan sa ibig ng humihiling, ay tunay na siya ay maggagabay rito sa ibang makagagawa.
التصنيفات
Ang Etikang Kapuri-puri