إعدادات العرض
Ang pagdalangin ay ang pagsamba
Ang pagdalangin ay ang pagsamba
Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ang pagdalangin ay ang pagsamba." Pagkatapos bumigkas siya (Qur'ān 40:60): {Nagsabi ang Panginoon ninyo: “Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo.” Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.}}
الترجمة
العربية తెలుగు हिन्दी Kurdî English Kiswahili Français فارسی தமிழ் සිංහල မြန်မာ Русский ไทย Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands اردو Bahasa Indonesia ئۇيغۇرچە বাংলা Türkçe Bosanski Hausa മലയാളം دری Fulfulde Magyar ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių or Română Kinyarwanda Српски O‘zbek Moore नेपाली Oromoo Wolof Български Українська Português Azərbaycan ქართული тоҷикӣ Македонски bm 中文 Malagasyالشرح
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagdalangin ay ang pagsamba. Kaya naman ang kinakailangan ay na ang kabuuan nito ay maging wagas ukol kay Allāh. Maging ito man ay pagdalangin ng paghingi at paghiling sa pamamagitan ng paghingi kay Allāh ng anumang ipakikinabang at pagtulak ng anumang ikapipinsala sa Mundo at Kabilang-buhay; o ito man ay pagdalangin ng pagsamba, na bawat anumang iniibig ni Allāh at kinalulugdan Niya na mga sinasabi at mga ginagawang lantaran o pakubli, na mga pagsambang pampuso o pangkatawan o pampananalapi. Pagkatapos humango ng patunay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) para roon yayamang nagsabi siya: "Nagsabi si Allāh (Qur'ān 40:60): {“Dumalangin kayo sa Akin, tutugon Ako sa inyo.” Tunay na ang mga nagmamalaki sa [pag-ayaw sa] pagsamba sa Akin ay papasok sa Impiyerno na mga nagpapakaaba.}."فوائد الحديث
Ang pagdalangin ay ang ugat ng pagsamba. Hindi pinapayagan ang pagbaling nito sa iba pa kay Allāh.
Ang pagdalangin ay naglalaman ng reyalidad ng pagkamananamba at pagkilala sa kawalang-pangangailangan ng Panginoon, kapangyarihan Niya, at pangangailangan ng tao sa Kanya.
Ang matinding banta bilang ganti sa pagmamalaki sa pag-ayaw sa pagsamba kay Allāh at pagwaksi ng pagdalangin sa kanya. Ang mga nagmamalaki sa pag-ayaw sa pagsamba kay Allāh ay papasok sa Impiyerno bilang mga minamaliit na mga kaaba-aba.
التصنيفات
Ang mga Kainaman ng Du`ā'