إعدادات العرض
Naawa si Allāh sa isang lalaking mapagparaya kapag nagtinda, kapag bumili, at kapag naningil."}
Naawa si Allāh sa isang lalaking mapagparaya kapag nagtinda, kapag bumili, at kapag naningil."}
Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Naawa si Allāh sa isang lalaking mapagparaya kapag nagtinda, kapag bumili, at kapag naningil."}
[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල ئۇيغۇرچە Kurdî Hausa Português മലയാളം తెలుగు မြန်မာ Deutsch 日本語 پښتو Tiếng Việt অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá Nederlands Kiswahili தமிழ் ไทย دری Български Fulfulde Magyar Italiano ಕನ್ನಡ Кыргызча Lietuvių Malagasy or Română Kinyarwanda тоҷикӣ O‘zbek Akan नेपाली Moore Azərbaycan Wolof Oromoo Soomaali Українська km bm rn ქართული Македонски Српскиالشرح
Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng awa para sa bawat sinumang naging madali, galante, at mapagbigay sa pagbebenta niya sapagkat hindi siya naghihigpit sa mamimili sa presyo ng paninda at nakikitungo siya nang may magandang kaasalan; madali, galante, at mapagbigay kapag bumili siya sapagkat hindi siya nagpapakulang at hindi siya nagpapakaunti sa halaga ng paninda; madali, galante, at mapagbigay kapag sumingil ng bayad sa mga pautang na ukol sa kanya sapagkat hindi siya naghihigpit sa maralita at nangangailangan, bagkus sumisingil siya rito nang may kabaitan at kabanayaran at nagpapalugit sa nagigipit.فوائد الحديث
Kabilang sa mga pinapakay ng Batas ng Islām ang pangangalaga sa nagsasaayos ng mga ugnayan sa pagitan ng mga tao.
Ang pagpapaibig sa paggamit ng mga matataas sa mga kaasalan sa mga transaksiyon sa pagitan ng mga tao sa pagbebenta, pagbili, at tulad niyon.
التصنيفات
Ang Etikang Kapuri-puri