Nagkasala ang isang tao ng isang pagkakasala kaya nagsabi ito: "O Allāh, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko

Nagkasala ang isang tao ng isang pagkakasala kaya nagsabi ito: "O Allāh, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa isinasaysay niya tungkol sa Panginoon niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Nagsabi siya: {Nagkasala ang isang tao ng isang pagkakasala kaya nagsabi ito: "O Allāh, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko." Kaya magsasabi naman Siya (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagkasala ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala at nagpaparusa sa pagkakasala." Pagkatapos nanumbalik ito saka nagkasala ito saka nagsabi ito: "O Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko." Kaya magsasabi Siya (napakamapagpala Siya at napakataas): "Nagkasala ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala at nagpaparusa sa pagkakasala. Gawin mo ang niloob mo sapagkat nagpatawad nga Ako sa iyo."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagsasalaysay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa Panginoon niya na ang tao – kapag gumawa ito ng isang pagkakasala pagkatapos nagsabi ito: "O Allāh, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko" – ay magsasabi si Allāh (napakataas Siya): "Gumawa ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala para magtakip sa kanya at magpalampas sa kanya o magparusa sa kanya. Nagpatawad nga Ako sa iyo." Pagkatapos nanumbalik ang tao saka nagkasala ito saka nagsabi ito: "O Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko." Kaya magsasabi si Allāh: "Gumawa ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala para magtakip sa kanya at magpalampas sa kanya o magparusa sa kanya. Nagpatawad nga Ako sa lingkod Ko." Pagkatapos nanumbalik ang tao saka nagkasala ito saka nagsabi ito: "O Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin ng pagkakasala ko." Kaya magsasabi si Allāh: "Gumawa ang lingkod Ko ng isang pagkakasala saka nakaalam siya na mayroon siyang isang Panginoong nagpapatawad sa pagkakasala para magtakip sa kanya at magpalampas sa kanya o magparusa sa kanya. Nagpatawad nga Ako sa lingkod Ko. Kaya gawin niya ang niloob niya hanggat siya, sa tuwing nagkasala siya, ay mag-iiwan ng pagkakasala, magsisisi, at magtitika ng hindi panunumbalik doon subalit mananaig sa kanya ang sarili niya kaya masasadlak siya sa pagkakasala sa muli. Hanggat gumagawa siya ng ganito: nagkakasala at nagbabalik-loob, magpapatawad Ako sa kanya sapagkat tunay na ang pagbabalik-loob ay nagwawasak sa anumang bago nito."

فوائد الحديث

Ang lawak ng awa ni Allāh sa mga lingkod Niya at na ang tao, gaano man ang ipinagkasala at gaano man ang ginawa, kapag nagbalik-loob siya at nagsisisi siya, ay tatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob sa kanya.

Ang manananampalataya kay Allāh ay umaasa ng paumanhin ng Panginoon niya at nangangamba sa kaparusahan Nito kaya nagdadali-dali siya sa pagbabalik-loob at hindi siya nagpapatuloy sa pagsuway.

Ang mga kundisyon ng tumpak na pagbabalik-loob ay ang pagkalas sa pagkakasala, ang pagsisihan ito, at ang pagtitika sa hindi panunumbalik sa pagkakasala. Kapag ang pagbabalik-loob ay dahil sa mga paglabag sa katarungan sa mga tao kaugnay sa ari-arian o dangal o buhay, nadadagdagan ito ng ikaapat na kundisyon: ang pagsasauli sa may karapatan o ang pagbibigay rito ng karapatan nito.

Ang kahalagahan ng kaalaman kay Allāh na gumagawa sa tao na nakaaalam sa mga nauukol sa Relihiyon niya kaya nagbabalik-loob siya sa tuwing nagkakamali siya kaya hindi siya nawawalan ng pag-asa at hindi siya nagpapatuloy.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng Dhikr