إعدادات العرض
Walang dumadapo sa Muslim na pagkapata ni pagkakasakit ni alalahanin ni lungkot ni perhuwisyo ni hapis − kahit ang tinik na tumuturok sa kanya − malibang magtatakip-sala si Allāh sa pamamagitan ng mga ito sa mga kamalian niya."}
Walang dumadapo sa Muslim na pagkapata ni pagkakasakit ni alalahanin ni lungkot ni perhuwisyo ni hapis − kahit ang tinik na tumuturok sa kanya − malibang magtatakip-sala si Allāh sa pamamagitan ng mga ito sa mga kamalian niya."}
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khuḍrīy at ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang dumadapo sa Muslim na pagkapata ni pagkakasakit ni alalahanin ni lungkot ni perhuwisyo ni hapis − kahit ang tinik na tumuturok sa kanya − malibang magtatakip-sala si Allāh sa pamamagitan ng mga ito sa mga kamalian niya."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල ئۇيغۇرچە Kurdî Hausa Português മലയാളം မြန်မာ Deutsch 日本語 پښتو অসমীয়া Shqip Svenska Čeština ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá తెలుగు Kiswahili தமிழ் ไทย دری Кыргызча or Kinyarwanda नेपाली Română Malagasy Lietuvių Oromoo Nederlands Soomaali Српски Українська ಕನ್ನಡ Wolof Moore ქართული Azərbaycan Magyar Македонскиالشرح
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang dumadapo sa Muslim na mga karamdaman, mga alalahanin, mga lungkot, mga dalamhati, mga sakuna, mga kasawiang-palad, pangamba, at gutom − kahit pa man ito ay isang tinik na tumatama sa kanya − iyon ay magiging isang panakip-sala sa mga pagkakasala niya at isang pagbababa ng mga kamalian niya.فوائد الحديث
Ang paglilinaw sa kabutihang-loob ni Allāh sa mga lingkod Niya na mga mananampalataya at awa Niya sa kanila sa pamamagitan ng pagpapatawad sa mga pagkakasala dahil sa pinakakaunting kapinsalaang dumadapo sa kanila.
Nararapat sa Muslim na umasa sa gantimpalang nasa kay Allāh dahil sa dumadapo sa kanya at magtiis sa bawat maliit at malaking pinsala upang ito para sa kanya ay maging isang pag-aangat sa mga antas at isang panakip-sala sa mga masagwang gawa.